Chapter 5 - (part 2)

424 15 3
                                    

CHAPTER 5 - OUTING (part 2)

[Jasmine's POV]

"ARAY!" napahawak ako sa aking ulo. Nakakainis! Ang sakit nung bolang tumama sa aking ulo.

Naramdaman kong may lumapit sa akin. Hinawakan niya 'yung part kung saan ako natamaan ng bola. At may hangin na nararamdaman ako. Hinihipan niya ito?!

"Sorry miss! Hindi ko sinasadya." Lalake?! Teka, bakit pamilyar 'yung boses niya. "Ito kasing si Ford, hindi nag-iingat!"

Oh My G. Ford... Sean Ford Sanchez! Isa pang katropa ni Lance! At kung nandito si Ford, itong katabi ko ay si Richard?! Naku, naman oh! Mag-a-abnormal na naman ang tibok ng puso ko! Kailangan ko ng makaalis!

"Miss, okay ka na ba? Gusto mo dalhin ka namin sa clinic?"

Haharapin ko ba siya o hindi? Ay bahala na ulit si Batman! Basta kailangan kong pigilan ang sarili ko. Kaya puso, hangga't maaga pa iwasan mo na si Richard, okay?

Nilingon ko na si Richard. "Ikaw?!" nanlalaki ang kanyang mga mata. "A-Ahh... sorry pala, ha? Ito kasing si Ford hindi nag-iingat." Nilingon ni Richard si Ford. Mga matatalim na titig ang kanyang binigay dito. Tinatawanan kasi ni Ford si Richard.

"Ah. Okay lang."

"Nga pala, na-move 'yung outing. Bukas na daw. May nagsabi kasi na busy next week sa school." Ani Richard na panay ang iwas sa aking mga titig.

Hindi ako makasagot. Hindi ko maibuka ang aking bibig. Nakatulala lang ako sa kanya. Hindi din ako makagalaw sa aking kinatatayuan ngayong nandito siya. "Oy!"

"Oo na! Sasama na ako." Wala sa sarili kong sinabi. Napataklob ako ng aking bibig at huminga ng malalim. "Sige alis na ako! May lakad pa kasi ako. Bye!" sabay tungo at tumakbo papalayo.

Naramdaman kong nag-vibrate 'yung phone ko. Kinuha ko ito at binasa ang text.

From: Richard

4:30 am susunduin kita sa bahay niyo. Don't worry alam ko kung saan. 3 araw nga pala tayo sa Baguio. Sige bukas nalang!

What the heck?! 3 araw kami sa Baguio! Keri ko kaya 'yun? Paano kapag nandun di Lance. Duh, alangang hindi sumama si Lance eh kabarkada siya ni Richard. Ang engot mo talaga, Jasmine! Kung magkataon man, eh magkakaroon ng world war 3! Kailangan ko ng bulletproof vest! Baka tamaan ako ng bala! Bala ni cupido! At kailan pa nag improve si Cupid? Haha.

--

"Trish!" sigaw ko habang papasok ng aming bahay. Tumigil pa ako sa harap ng pinto para magpahinga. Paano ba naman, tumakbo pa ako papunta dito. Kung hindi lang kay Richard. Nakakabadtrip talaga! "Sorry kung natagalan ako."

"Ano ka ba? Okay lang 'yun. Ang mahalaga dumating ka!" ipinulupot ni Trish ang kanyang braso sa aking kaliwang braso. "Dali! Pumunta na tayo sa parlor! Naghihintay na dun si Momsie!" at kinaladkad ako ni Trish hanggang sa makarating kami sa parlor.

--

"Momsie!" bati ni Trish dun sa isang bakla at nakipag beso-beso pa. What the-?! Haha.

"Anong meron at naparito ka, Trishie?"

"Momsie! Magpapa-make over po ako sa inyo!"

"At bakit mo naman naisipan ang magpa-make over, aber?"

Lumingon si Trish sa akin at nginusuan ako. "Ito kasing best friend ko Momsie, nagpa make over noong isang araw. 'Di man lang nag-aya para sabay kami." Ay kaya naman pala.

"Okay, okay, enough na ang mga chevernes. Umupo ka na sa beauty queen's chair at i-ma-make over na kita." Sumunod naman si Trish.

Habang ako naman ay pumunta sa may bakanteng upuan para intayin ang tampuhin kong best friend. Haha!

Ako nalang [Book 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon