Chapter 3 - KISS

489 15 4
                                    

Chapter 3 – KISS

[Jasmine's POV]

Dalawang linggo pagkatapos kong manalo sa contest ay marami ng lumalapit sa akin para magpa-autograph sa school. Dati kasi isa lang akong normal na estudyante na walang inaatupag kundi pag aaral. Karamihan ay mga nakababata sa akin. Pero wala naman sa akin 'yun dahil mahilig ako sa bata. Malapit ang loob ko sa kanila.

"Ate, pwede po ba magpa-autograph sa inyo?" tanong ng isang batang babae na may dala-dalang notebook at ballpen.

"Oh sige ba!" sabi ko sabay kuha dun sa notebook at ballpen. Agad kong pinirmahan ito at ibinigay dun sa bata. "Ayan, salamat sa pagsuporta sa akin." Then I patted her head.

Ngumiti ito sa akin.

Bigla ko na lang naalala 'yung mga ngiti na nakita ko kahapon. Hindi ako pwedeng magkamali na hindi 'yun si Richard. Pero pagbaba ko noon sa stage. Si Lance ang bumungad sa akin. Kung si Richard talaga 'yun. Bakit s'ya umalis kaagad? Sinuportahan lang n'ya ba ako? Yun lang?

Pero mas pinagtataka ko eh si Lance. Bakit nya ako binigyan ng rose? Eh hindiba ka-M.U n'ya si Christina? Pero nasagot naman kaagad ang aking mga katanungan noon ding mga panahon na 'yun.

"Ah, I just wanted to congratulate you by giving you a flower." Sabay ngumiti s'ya sa akin.

 

Ah, that smile again. I can't help but blush.

Papasok pa lang ako ng aming classroom ng biglang lumapit sa akin si Trish. Nakahawak pa s'ya sa kanyang dibdib at naghahabol ng kanyang hininga. "Jasmine, may masama akong balita sa'yo." Malungkot n'yang sabi.

"Lance is now in a relationship with Christina."

Napatulala ako sa sinabi ni Trish. Expected ko na naman 'to eh. Pero bakit kapag actual mo ng naranasan ang sakit-sakit. Nagbaka-sakali lang naman ako. Na balang araw ay makikita ako ni Lance bilang babaeng mamahalin n'ya. Pero ano 'tong nangyayari ngayon? Sila na ni Christina. He's now taken.

Bumalik ako sa katinuan noong hinawakan ni Trish 'yung balikat ko. "Ok ka lang, bes?"

Tumango ako. "Oo naman, b-bes. Ako p-pa. S-sige." Nauutal kong sagot sabay dahan-dahang naglakad papalayo sa kanya at pumunta sa rooftop.

Pagdating ko sa rooftop ay agad na bumuhos ang luhang kanina ko pa pinipigilan. Napasandal ako dun sa pinto. Napapikit ako at agad na pinunasan ang aking mga luha gamit ang aking mga kamay. Nagmulat ako at nanlaki ang mga mata ko sa nakikita ko. Kasama ko ngayon sa rooftop si Richard. Nasa may gilid s'ya, nakapikit at may suot na headphones.

Noong una nag aalinlangan pa ako kung mananatili pa ako dito sa rooftop. Pero sa huli ay nanatili ako at umupo sa isang tabi kung saan hindi ko katabi si Richard. Baka kasi magising ko pa s'ya at baka mahuli n'ya pa akong umiiyak.

Doon sa sulok, inilabas ko lahat ng nararamdaman ko. Iyak ako ng iyak hanggang sa kusa akong mapagod. Siguro nga hanggang dito lang kami ni Lance. Siguro hanggang pangarap lang talaga s'ya. Siguro kailangan ko ng humanap ng iba na bibigyan ko ng atensyon. Ayaw kong magpaka-martyr. Hanggang sa napasandal ako sa isang pader at nakatulog.

                                                                                                                                            

Minulat ko ang aking mga mata. Nakatulog nga pala ako. Teka bakit pakiramdam ko may mainit na hangin na bumubuga sa ulo ko? Naramdaman ko din na may naka-akbay sa aking kaliwang balikat. Napalingon ako sa aking kanan. At pinagsisisihan ko ang ginawa ko na 'yun.

Isang one bad move.


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Nang dahil sa sobrang lapit pala ng aming mukha ay nagkalapat ang aming mga labi. Seryoso s'yang nakatingin sa akin habang ako naman ay nanlalaki ang mga mata. First kiss ko kaya ito! Mas lalong nanlaki ang aking mga mata noong hinawakan n'ya ang aking mga pisngi para lumalim ang kanyang mga halik. Napapikit ako at tumugon sa kanya. It was a slow but passionate kiss. Nalulunod na ako. Hanggang sa kusa na s'yang humiwalay sa pagkakahalik.

Nakaramdam ako ng pagbilis ng tibok ng puso.

"I-I'm sorry. I shouldn't done that." pag-a-apologize ni Richard sabay tayo at umalis sa rooftop.

Habang ako naman ay naiwang nakatulala sa rooftop.

[Richard's POV]

Maraming nagsasabi na napaka-swerte ko daw na tao. Nasa akin na daw kasi ang lahat ng kailangan ko. Isang sabi ko lang ay makakarating kaagad. Sa makatuwid, isa akong taong may gintong kutsara sa bunganga.

Napaka-swerte nga daw ng mga magulang ko sa akin. Dahil isa akong gifted na tao pagdating sa mga instrumentong pang musika. Pero ito din ang naging dahilan para tumaas ang expectations ng aking mga magulang sa akin. Noong bata pa ako, pinag aral nila ako sa states. Lagi nila akong pina-aalahanan na dapat mataas na marka ang makuha ko. At kapag hindi ko na-meet 'yung expectations nila, lagi nila akong pinapagalitan. I hate my life! I don't believe that I'm so lucky. I always need to be the best.

Kaya noong nagtransfer ako dito sa Brooklyn Academy, medyo nagpaka-distant muna ako sa mga tao. I chose to build a thick wall from other people. Pero isang tao lang ang nakapagtibag nito, at ito'y si Lance. Itinuturing ko s'yang kapatid ko dahil tanggap n'ya ang pagkatao ko. Hindi n'ya ako minamaliit at ni minsan ay hindi kami nag-aaway.

Pero pakiramdam ko may isang tao na magiging dahilan para magkagalit kami. At ito'y si Jasmine.

Matagal ko ng pinaghihinalaan na may gusto si Lance kay Jasmine. Lalo na nung nakiusap s'ya sa akin na protektahan ito sa iba naming mga katropa na sina Carlo at Ford. Maging sa ka-M.U n'yang si Christina. Hindi ko maisip kung bakit n'ya pa kailangang gawin ang lahat ng ito para kay Jasmine. Ano bang meron sa babaeng 'yun at nagustuhan ito ni Lance?

Lahat ng ito'y nasagot noong sandaling nakita ko si Jasmine na pikit na nakasandal sa pader ng rooftop at bakas sa kanyang mga mata na umiyak s'ya. Nakikinig pa ako noon ng kanta sa aking headphone noong nilapitan ko s'ya at umupo sa kanyang tabi. Mahirap 'yung pwesto n'ya. Kaya agad kong inilagay sa aking balikat 'yung ulo n'ya para 'di na s'ya mahirapan.

"Nakaka-inis kayong dalawa. Gusto n'yo naman ang isa't isa pero napakamanhid n'yo naman."

Oo, matagal ko ng alam na may gusto si Jasmine kay Lance. Sa bawat pagkilos pa lang n'ya tuwing kaharap n'ya si Lance. At kung tama ako, kaya s'ya umiiyak ngayon ay dahil nalaman na n'ya ang balitang sina Lance at Christina na. Aaminin ko na masakit talagang malaman na taken na 'yung minamahal mo. Pero mas masakit 'yung nagmamahalan na pala kayong dalawa kaso hindi n'yo naman alam. Balak ko nga dati na sabihin kay Lance na may gusto si Jasmine sa kanya. Kaso may kung anong pumigil sa akin para gawin 'yun.

Sa pagkaka-alam ko noon, kaya hindi ko ipinaalam kay Lance na gusto s'ya ni Jasmine ay para maging fair sa kanila. Pero hindi ko akalain na kaya ko pala ginawa 'yun ay nahulog na din ako sa babaeng 'yun.

Hindi pwedeng mangyari ito.

Ano na lang ang gagawin ko sa oras na malaman ni Lance na gusto ko na rin si Jasmine at hinalikan ko s'ya? Anong susundin ko? Ang puso ko na nagsasabi na aminin ang totoong nararamdaman kay Jasmine o ang utak na ang sinasabi ay huwag kong mahalin si Jasmine dahil sa bestfriend ko?

Ako nalang [Book 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon