CHAPTER 5 - OUTING

437 14 5
                                    

CHAPTER 5 — OUTING

[Jasmine's POV]

"JASMINE!" ani Lance habang hawak-hawak ang kaliwang braso ko. "I like you! I really do!"

 

"Pero may girlfriend ka na! Ayaw kong maging third party! Ayaw kong maging kabit!" Wow asawa lang ang peg?!

 

"Bitiwan mo siya!" napalingon naman ako sa kanan ko. Si Richard.

 

Nanlaki ang mga mata ko. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Ang lakas ng tibok ng puso ko. Kinakabahan ako. "Wala kang karapatan na hawakan siya dahil ako na ang mahal niya!"

 

Pero hindi pa rin ako binibitawan ni Lance. At sunod niyang ginawa ay niyakap niya ako. "Ako na lang, please." Napatulala ako. Gustong-gusto kita, Lance. Pero ayokong mang-agaw ng boyfriend ng iba. Hindi ako babaeng nanunulot. Kung wala ka ng girlfriend at mahal pa rin kita sa future, maaaring maging tayo.

 

Sa gitna ng pagmamakaawa ni Lance ay nakarinig ako ng ingay mula sa aking cellphone. Cellphone? Napatingin muli ako kina Lance at Richard, unti-unti silang naglaho. And poof!

"You know the bed feels warmer

Sleeping here alone

You know I dream in color

And do things I want"

Iminulat ko ang aking mga mata at agad na kinapa ang cellphone ko sa may side table. Tiningnan ko 'yung screen.

"Sino ba 'tong tumatawag? Kaaga-aga—" napatulala ako. Oh My G! Si Richard?!

"You know you got the best of me

Think you've had enough the last laugh

Bet you think that everything good is gone"

Sasagutin ko ba o hindi? Jusko ko po! Bahala na si Batman!! Pinindot ko na 'yung answer button.

"H-Hello," mahina kong sagot.

"Haaay sa wakas, sinagot mo rin!" ani Richard. Narinig ko pa sa kabilang linya na napabuntong-hininga siya. "Naka twenty missed calls din ako!"

"Sorry naman po, ha? Tulog pa po kasi ako kanina. Sinong matinong tao ang tatawag ng ganitong oras. Sarreh ha?" sarcsastic kong sagot. Pinili ko kasing maging ganun sa kanya para iparating sa kanya na parang walang 'kiss' na nangyari noon sa pagitan namin. 'Yung normal conversation between classmates lang. Bago nangyari 'yun', medyo matapang at sarcastic akong magsalita.

"Ah ganun ba, sorry. Mukhang nakaabala ako sa pagtulog mo. Sige maya—"

"Sabihin mo na ang dapat mong sabihin. Ano 'to lokohan? Kung kalian gising na ako?"

Ilang segundo bago nagsalita siya. "Ah kasi,"

Ako nalang [Book 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon