C H A P T E R 1 7( M O M E N T S)

175 3 0
                                    

 Austin’s POV:

“Ladies and gentlemen, we have just been cleared to land at the NYC airport. Please make sure one last time your seat belt is securely fastened. The flight attendants are currently passing around the cabin to make a final compliance check and pick up any remaining cups and glasses. Thank you.”

Nandito na kami. Sa New York. Bagong buhay, para kay Hershey. Gusto ko maranasan nya yung normal na pamumuhay ng isang tao. Yung parang walang dinaramdam na sakit. Ang totoo para ngang wala syang sakit. Sobrang normal nyang gumalaw. Di mo nga aakalain na may amnesia sya. And...and naaalala ko sa kanya si...                (./////.) ugh... init ng mukha ko. Bakit ba ang daming similarities nila.

So kasama ko ngayon si Chris at si Hershey. Di namin kasama si Mommy dahil may appointments pa syang aasikusuhin, pero baka daw next week ay susunod na sya dito. Di din nakasama si Yaya Ester kasi magbabakasyon sya sa kanilang probinsya. Nasa labas na kami ng airport at may inaabangan na sasakyan. Yun daw yung susundo samin. Maya-maya lang, may tumigil sa harapan namin na isang ****

“Uh, Sir Austin?” Eto na kaya yung susundo samin? ?_____?

“Kayo po ba ang sundo namin?” haha, nagtaka ba kayo kung baket ako nagtagalog? Eh kasi halata naman na Filipino. (¬_¬” )

“Ah, opo sir. Sakay na po?”

Nilagay muna ni manong yung mga gamit namin. Mga maleta, at yung... haaaay... organ at gitara nya. Ayaw nya kasing iwan sa pinas. Sabi ko sa kanya pwede naman na bumili nalang ulit kami kaso sabi nya nakakahiya daw dahil sobrang dami na daw nagastos para sa kanya. Tapos bago kami makapasok sa loob ng sasakyan biglang—

“HUWAAAAAW!!! ANG GONDO NAMAN DITO!!!! *u*”  (/__- ) haaaaaay...ganto ba ginagawa ng mga tao pag perstaym sa ibang bansa? Kelangan sumigaw ng ganun? Yan tuloy, pinagtitinginan kami ng mga tao sa airport. Oh men. (_ __”)

Di pa nakuntento at hinila ako sa braso, dadalhin ata ako sa kung saan.“Sige Kuya, antayin nalang namin kayo ni manong dito sa tabi. Di naman tayo nagmamadali. Bilhin mo yung gusto ni ate,” sabi ni Chris sabay wink sakin. (/__- “)  At ayun nga dinala ako ni Hershey sa Duty Free?

“Nuh ba bibilhin naten?” cold kong sabi. \( ^O^)~(“⌐_⌐) Pero di man lang ako pinansin at iniwanan ako sa tapat ng duty free. Tingin ng tingin ng kung ano ano. Pinuntahan ko sya. Tapos nung nahalata nyang katabi na nya ako. Bigla nyang pinakita sakin yung isang maliit na teddy bear with red guitar na keychain. So eto lang yun? Pumunta kami dito para lang bilhin tong napakaliit na keychain.

(~~ *ω*)~~ “Austin...bili mo ko neto...” imik nya tapos nagpuppy eyes. Adik. Psh. Tiningnan ko yung presyo nung keychain. And guess what. Ang presyo nya ay... *drum beat*

$5  ––––> wow! Mahal din kahit papano. Nasa p200+ pag icoconvert sa peso.

“Ayaw.” maikli at cold kong sagot. Tapos nung sabihin ko yun bigla nalang nagbago mukha nya. Nung una paawa face, ngayon sad face. Tapos biglang nagwalk out! Kelan pa sya natuto? Iniwan ako. Nag intay muna ako ng ilang segundo kung babalik dito sa store. Pero 5 minutes na ang nakalipas. Di na sya bumalik. Napikon ata. Hala.

“Ang tangi mo kasi Austin. Yan napikon ata. Di mo pa kasi binili yung keychain. Ke mura lang naman.” Sabi ko sa sarili ko habang inuuntog ko yung ulo ko sa wall. Di naman yung untog na malakas. Tapos napatigil ako nung biglang nagsalita yung cashier ata ng store.

“Are you okay sir?”

“Yeah, I’m fine.” Tapos kinuha ko yung teddybear with red guitar na keychain at dinala ko sa counter. Bumili nadin ako ng konting snacks.

Ako nalang [Book 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon