Chapter 2 - CONTEST

527 16 5
                                    

Chapter 2 – CONTEST

[Jasmine's POV]

NAPAKASWERTE ko ata ngayon. Hindi ko kasi inakala na makakasabay ko ngayon sa jeep si Lance. Simula kasi noong pinayuhan ako ni DJ Max ay tumaas ang self esteem ko. At hindi ka maniniwala, katabi ko pa sya ngayon! Kyah! Hindi ko maiwasang mapangiti.

"Sumakay ako sa jeepney

Ikaw ang nakatabi

Hindi makapaniwala..."

Nasa kaliwang parte ko kasi si Lance. Hindi ko maiwasang mapatingin ng saglit sa kanya. Grabe ang swerte talaga ng araw na ito! Isa ito sa alaalang hindi ko talaga makakalimutan sa buong buhay ko. Ano kayang charms ang meron ako at nangyayari ang lahat ng ito?

Natanaw ko na 'yung school namin. Agad naman akong pumara. Unang bumaba si Lance, kasunod ako. Biglang nag-init ang aking magkabilang pisngi noong inalalayan nya ako sa pag baba.

Kasabay ko s'yang naglakad papunta sa school building. Nakatungo lang ako at hanggang ngayon ay hindi pa rin maalis-alis ang pag-iinit ng pisngi ko. Napatingin ako sa kanya noong bigla s'yang nagsalita.

                                                                                                      

"I'm glad that you're okay and smiling." Hindi sya nakatingin sa akin pero biglang bumilis ang tibok ng aking puso noong ngumiti sya. Tanging "Mmmm" lang ang na-itugon ko kay Lance.

Nakarating na kami sa aming classroom at bumungad sa aming harapan 'yung teacher namin. Agad kaming pinaalalahanan sa darating na singing contest ng BED (Basic Education Department) bukas. Lahat daw ng gustong sumali ay magpapa-register lang sa adviser. Kaso wala akong panahon sa mga ganung contest. Mas gusto ko kasing manuod kaysa mag perform, lalo na kung ang sasali ay si Lance. Pero hindi naman s'ya sumali.

Kina-hapunan, tapos na ang klase at nasa bahay na ako noong tumawag ang bestfriend kong si Trish.

"Hello bes, huwag na huwag kang mabibigla sa sasabihin ko." Ani Trish na nasa kabilang linya.

Na-confuse naman ako sa sinabi n'ya. "Ano naman 'yun, Trish?"

Narinig kong bumuntong-hininga muna s'ya bago magsalita. "Isinali kasi kita sa singing contest."

"H-Ha?! Bakit?!"

"Sinabi ko kanina na 'wag kang mabibigla. Wala ka ng magagawa pa. Naka-register ka na." narinig ko syang tumawa. "Kumanta ka na. Magaling ka kaya! Trust yourself. Huwag mo akong ipapahiya. Malay mo manuod si Lance, eh 'di swerte."

"Oo na! Wala na naman pati akong magagawa." Sagot ko sabay ni-end 'yung call.

Kinabukasan, ni-text ako ni Trish na sa may gym gaganapin 'yung singing contest. Naka-casual dress lang ako noon. Nakarating na ako sa loob ng gym kung saan maraming contestant ang naroon. Nilapitan ako ng isang babaeng sa tingin ko ay nasa 25+ ang edad na may hawak-hawak na mga numero. Binigay n'ya sa akin ay number 4 na agad ko namang ikinabit sa aking damit sa may parteng kaliwa ng bewang.

Dumating din ang oras ng contest. Nasa may backstage na kami at isa-isa ng pumupunta ang mga contestant sa stage. Ramdam ko ang panginginig ng aking buong katawan. Nanlalamig ang aking mga kamay. Ganito ako kapag alam kong haharap ako sa maraming tao. Kaya ginawa ko na lang ay bumuntong hininga ng napakalalim.

Natapos ng magperform ang contestants 1 hanggang 3. Narinig ko na 'yung emcee na tinatawag 'yung pangalan ko.

"Kaya mo 'to Jasmine!" sabi ko sa sarili ko.

Ako nalang [Book 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon