Yella's POV
"Besty may ginagawa ka ba?" Tanong ko sa kanya over the phone.
["May date kami ni Baby eh. Why Besty?"]
"Ah. Wala naman. Sige ingat mamaya. Bye"
Binagsak ko ang katawan ko sa kama. Eto nanaman, bored na bored nanaman ako. Wala si Kuya dito sa bahay, tuwing linggo kasi may Date sila ni Ate Laurice. Gusto ko sanang pumunta sa mall kaso wala akong kasama. Teka nga, Bakit kaylangan ko pa ng kasama? Pwede naman akong pumunta mag isa. Aish!
--
"Ma'am iintayin ko ba kayo?" Tanong ni manong.
"No. Tatawagan ko nalang po kayo pag uuwi nako." Sagot ko. Tumango naman siya at umalis na.
Pagpasok ko sa mall, hindi ko alam kung san ako pupunta. Tumingin ako sa kanan, puro damit naman eh.
Tingin sa kaliwa, ayun magsta-starbucks muna ako."Ma'am? What's your order?" Tanong nung babae sakin.
"One Coffee Jelly" sagot ko at inabot na ang bayad.
"Here ma'am." Inabot nya sakin ang order ko.
"Thank you."
Umupo nako. Medyo dulo tong pinuwestuhan ko, para walang tumabi sakin. Hays! Nagmumuka tuloy akong loner ngayon eh. Bakit ba lahat ng taken may date ng sunday? Pano naman yung mga single?
Napapailing nalang ako sa mga iniisip ko.
Natigilan ako sa pag-iisip ng may biglang tumabi sakin. Nasa tapat ko siya. Like seriously?! Ang daming vacant na upuan oh. Dito pa sya tumabi sakin.
Tinignan ko kung sino yon at..
"Oh?! Yella."
"What are you doing here?" Mataray kong tanong.
"Nabili? Ano ba pwedeng gawin dito? Maglaro?" Pilosopo nyang sagot.
I rolled my eyes. Sa dinami dami ng mall, bakit dito pa?
"Bakit mag-isa ka?" Tanong nya.
"Pake mo?" Poker-face kong sagot sa kanya.
"Tss. Sungit talaga." Ano ngayon nya lang nalaman?
"Nabo-bored ako samin." Sagot ko sa kanya. Nasagot naman ako ng matino kahit papano.
"Walang kasama?" Tanong niya. Kahit kaylan talaga mga tanong nito pang Tanga.
"Are you blind Lance?" Oo! Si Lance asungot yung bwiset na tumabi sakin dito.
"No. Nakikita nga kita eh."
"Nakikita mo bang may kasama ako?" Tanong ko sa kanya.
Umiling siya bilang sagot.
"Edi mag-isa ako. Tss" kainis to.
"Bakit wala kang kasama?" Ang kulit talaga neto.
"Eh ikaw? Bakit wala kang kasama?" Tanong ko pabalik sa kanya.
"Sino may sabing wala? Meron kaya." Oh? Kadate nya siguro.
"Nasan?" Tanong ko.
Tinuro nya yung katabi kong upuan na wala namang naka upo. "Ayan oh. Hindi mo ba sya nakikita?"
Hinampas ko naman sya. Ano tinatakot nya ako?
"Walang may time sakin ngayon." Malungkot na sabi ko sa kanya. "Si Kuya may date. Sila Besty at Derrick may date din."
BINABASA MO ANG
Let's Act (Wag Kang Mafa-Fall)
أدب المراهقينDon't act if you know the truth, just face the Reality and throw the Fantasy. No Take 1, No Take 2, No Take 3 ON AIR tooo! Lights! Camera! Action! Let's Act