Act 13

74 13 2
                                    


Yella's POV


Naglalakad ako papuntang room ng mahagip ng mga mata ko ang isang babae at isang lalaking nagyayakapan.

Napahiwalay sila sa isa't isa ng mapansin nilang nakatayo ako malapit don. Naistorbo ko yata sila..

"Hi" bati nung babae.

Ngumiti ako bilang sagot at tumingin doon sa lalaki.. bakas sa mukha niya ang tuwa.

Umiwas nako ng tingin at nagpatuloy ako sa paglalakad at nilagpasan silang dalawa.

Wala na naman akong gagawin don kaya wala ng dahilan para manatili ako kung nasaan sila. Hindi ko gusto ang view.

Alam kong may kumirot dito sa bandang puso ko. Masakit pero kailangan itago. H'wag nalang indahin para walang problema.. pero kaya ko kaya?

Habang naglalakad ako ay merong mga tanong na biglang nag pop sa isip ko.. na ako dapat yun. Ako dapat yung kayakap niya. Ako dapat yung gusto niya. Ako dapat yung parati niyang kasama. Hay, pero kahit anong gawin ko wa--

Natigilan ako sa pag-iisip ng may biglang umakbay sa'kin "Ayos lang yan."

"Ikaw, ayos ka ba?" Tanong ko sa kanya.

Ngumiti siya "Oo naman."

Inalis ko ang pagkaka-akbay niya sa'kin at humarap sa kanya "I know you Ace. Wag kang plastic!"

Tumawa siya ng mahina "Wala eh. Na-friendzoned ako. Ay TAYO pala Haha!"

Diniin niya talaga yung salitang 'tayo'. Psh!

"So? Where do broken hearts go?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi ako broken hearted kaya huwag mo akong idamay. Psh!"

Aba loko 'to! So ako lang ganon?!

Inirapan ko siya ng bonggang bongga "Whatever"

Ginulo naman niya ang buhok ko na para akong bata "Alam mo kasi Yella, kung bh ka 'wag mong isipin. Maging masaya ka lang. Kung doon sasaya ang taong mahal mo, dapat tanggapin mo at maging masaya ka para sa kaniya... para sa kanila."

"Aray naman. Ang hirap kaya non." Pagbibiro ko.

"Just move-on."

Nagkibit balikat nalang ako "So be it."

Ngumiti lang siya sa'kin at nagpatuloy na kami sa paglalakad. Tama si Ace, dapat happy lang kahit masakit. Alam kong nasasaktan siya pero tinatago niya lang, ayaw niyang ipakita na mahina at malungkot siya. Isa kasi siyang masayahing tao kaya hindi si'ya sanay na may malungkot or what. Kaya ikaw Yella! Makakamove-on ka'din.. tiwala lang!

Pero sila na kaya?

--

"Are you okay?" Hindi ko na natiis at tinanong ko'na si Darwin.

Nandito kasi kami sa office ni Tita, inihahanda namin yung mga kaylangan naming gamitin.

Kanina pa siya walang imik eh. As in yung paghinga niya lang yung naririnig ko.

"Yes?" Patanong na sagot niya.

"You know what Dar, don't be shy." Sabi ko.

Tumawa siya ng mahina "I'm not shy."

"You can share your problems. Trust me." Then I wink.

Bumuntong hininga muna siya bago magsalita. Parang ang lalim naman ng pinanghugutan non. Haha!

Let's Act  (Wag Kang Mafa-Fall)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon