Act 9

85 18 5
                                    




Yella's POV



*Tok tok*

Aish! Sino ba yon? Kitang nagpapahinga yung tao tapos kakatok at mang gugulo. Pinagbilinan ko naman sila manang na wag muna akong tatawagin at bwisitin. Tapos ngayon may kakatok? Grabe naman.


*Tok tok*

Ayon nanaman. Tatakpan ko na dapat ang tenga ko gamit ang unan ng may biglang magsalita..

"Little Y.D" Sabi nung tao sa pinto.

Si Kuya pala yon eh. Ano kayang kaylangan non at nang gugulo siya? Pagbuksan ko kaya ng pinto ano? Para malaman ko kung ano at hindi ako tanong ng tanong sa sarili ko. Baliw lang eh.

Tumayo ako para pagbuksan si Kuya.
"What?" Bored kong tanong.

"May bisita ka. Nasa baba." Sagot niya.


"Ha? Sino?" Tanong ko. Wala naman akong inaasahan na bisita ngayon eh.

"Babain mo kaya. Tanong ng tanong eh" Sabi niya sabay alis sa harap ko at pumasok na sa kwarto niya. Bastos talaga tong utol ko kahit kelan.


Eh ano pa nga ba? No choice ako kundi babain at alamin kung sino ang bwisita ko.

"Yellaaaaaaaa!" Sigaw nung lalaki mula sa living room.



"Oh Ace, what are you doing here?" Tanong ko. Hindi manlang siya nagpasabi na pupunta pala siya ngayon.


"Mall tayo." Sagot niya.



"Mall? Bakit hindi ka kay Lindsey magpasama? Para date nadin." Suggest ko.



Napakamot siya sa ulo niya "Bibili kasi ako ng regalo para sa kanya. Alangan namang siya isama ko dba?"

"Sabi ko nga. Pero teka, bakit hindi ka nalang sa iba magpasama?" Tanong ko ulit.



"Ayaw mo ba?" Tanong niya pabalik.



"Wala akong sinabi."


"Ano yon, kapag lalaki sinama ko tapos magtatanong ako kung ano gusto ng babae masasagot niya ba?" Sabi niya.


"Oo na po. Wait lang magbibihis lang ako." Tapos pumanik na ako sa kwarto ko para magbihis.



Wala namang pasok ngayon kaya okay lang. Wala din naman akong gagawin dito sa bahay.


Pagtapos kong magbihis dumaan muna ako sa kwarto ni Kuya at kumatok.

"Ano ba yon?" Bungad niya sakin.


"Sasamahan ko lang si Ace sa mall."
Sabi ko.



"Okay. Ingat." Sabi niya at isinara na ang pinto.


Bumaba nako para puntahan si Ace.
Naka-upo lang siya don na parang siya ang may-ari nitong mansyon.


"F na F ha." Sabi ko nung marating ko ang living room.


"Anong F na F?" Pagtataka niya.


"Feel na feel" sagot ko.


"Tss. Dami mong alam."


"Mag move-on lang hindi." Dugtong ko.

Tumingin naman siya sakin.
"Tara na nga."


"May kotse ka bang dala?" Tanong ko pagkalabas ng mansyon.


"Oo naman. Ako pa!"


Let's Act  (Wag Kang Mafa-Fall)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon