Act 8

80 22 2
                                    


Yella's POV

Naglalakad ako sa may Hallway. Medyo maaga akong pumasok, kahit wala naman akong gagawin.
Malapit nako sa room namin ng mapansin kong nakatambay ang Barkada sa labas ng room. Kasama nila si Lance, at mukhang may iniintay sila.

Tumungo nalang ako. Ayoko silang tignan. Nahihiya ako sa mga sinabi at inasal ko kahapon.

Papasok nako ng room ng may humila sakin. Tumalikod ako para tignan kung sino yon. Si Reid pala.

"Let's talk." Sabi niya.

"Besty, Sorry!" Malungkot na sabi ni Besty at niyakap ako. Niyakap ko din naman siya.

"Dapat ako yung mag-sorry kasi hindi ko dapat sinabi yon. Masyado kong pinersonal ang group activity natin kahapon. Sorry." Pag-e-explain ko sa kanila.

"No Yella. Hindi ka kasi namin naintindihan... Nasaktan ka namin." Sabi ni Reid.

"Okay lang yon." Sabi ko. Wala namang mababago eh.

"Okay na tayo?" Tanong ni Ace.

Tumango naman ako. Mga kaibigan ko sila kaya dapat magkaintindihan kami.

"Group Hug!!!" Sigaw ni Besty.

Nag-group hug naman kami. Ang saya lang na okay ulit kami, parang walang nangyari na tampuhan. Yan ang isa sa mga dahilan kung bakit mahal ko ang Barkada ko.

"Hey Lance! Tara dito!" Aya ni Ace.

"Oo nga!" Pag sang-ayon ni Derrick.

Lumapit naman si Lance at naki-group hug din.

"Welcome sa Barkada Tol!" Bati ni Ace.

Ngumisi naman si Lance "Thank you pre."

Kasama na sa Barkada namin si Lance. Ngayon lang kami nadagdagan at siguradong mas masaya ang Barkada namin ngayon.
Apat na loko-loko at Dalawang maganda? Equals masayang Barkada.

"Nadadaganan nakooo!" Sigaw ko sa kanila.

Agad naman silang umayos at tumawa. Mga loko talaga.

"Halika nga dito Yella." Tawag ni Ace at agad akong niyakap ng mahigpit.

Hinampas ko sya ng mahina "Tsansing ka nanaman sakin Ace." Biro ko sa kanya.

Ginulo naman ni Reid ang buhok ko "Ikaw talaga."

Marami pang pagdadaanan ang Barkada namin. Pero sigurado akong sama-sama naming haharapin at lalagpasan ang mga pagsubok.

--

"Gutom nako." Reklamo ko sa kanila.

Kanina pa kasi kami dito sa room, wala namang teacher. Wala din naman kaming ginagawa.

"Tara sa cafeteria." Yaya ni Ace.

"Tinatamad ako lumabas eh." Sagot ko.

"Ayun! Papabili ka no?" Tanong niya. Kilala na talaga ako nitong lalaking to.

"Yah. Pwede? Pleaseeee!" Pagmamaka-awa ko.

Nag-isip muna sya saglit pero pumayag din naman.

"Derrick! Samahan mo nga ako." Sabi ni Ace kay Derrick.

"Bibili ka nalang ng pagkain papasama ka pa? Nababading ka nanaman." Pang-aasar ni Derrick.

"Tara na Baby samahan na natin si Ace. Bili nadin tayo." Sabi ni Besty.

Let's Act  (Wag Kang Mafa-Fall)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon