Act 6

96 23 3
                                    

Lance's POV

Kanina pa ako nakauwi dito sa bahay at kanina pa din ako napapaisip kung bakit ko sinabi kay Yella ang mga salitang yon at I call her by her second name. Hindi ko alam kung anong sumapi sakin at sinabi ko yung mga katagang 'Hindi ka mawala-wala sa isip ko Dane.' Tapos kapag kasama ko siya masaya ako. Lagi akong napapangiti. Hindi ko itatanggi na mabait siya, maganda, hindi siya mahirap ma-gustuhan. Halos lahat na yata nasa kanya eh.

Nung napatingin ako sa side ng starbucks at may nakita akong isang babae alam ko na agad kung sino yon at hindi ako nagkamali. Likod palang ni Yella kilala ko na.

Hays! Nakakabaliw din pala mag-isip. Nakakabaliw palang isipin ang isang Yella Dane Estrella.

--

The next day

Yella's POV

Sulat dito. Sulat don. Nakakangalay ah! Pakopya lang ng pakopya yung mga teacher namin ng concept notes.
Kung may buhay lang tong ballpen ko at kung nakakapagsalita lang tong kamay ko, malamang ko bang kanina pa nito tinatalakan ang teacher ko.

"Kung tapos na kayong magsulat lumapit kayo dito para macheck-an ko na ang papel nyo." Sabi ni ma'am.

Agad naman akong tumayo para magpa-check. Napatingin sila sakin.
Pano ang bilis kong magsulat, tapos sila daldal don daldal dito. Tawa don tawa dito.

"Ms. Estrella, Mag meeting kayo ni Mr. Monzon mamaya." Sabi ni Ma'am.

Tumango naman ako. Kahit hindi ko itanong kung para saan, alam ko na kung ano yon. About SmithStruck yon. Isa kasi si ma'am sa mga Director ng workshop.

Pabalik nako sa upuan ko ng mapatingin ako sa gawi ni Reid, nakangiti sya habang hawak ang phone nya, katext siguro si Lindsey. Tch.

"Besty, Sorry hindi kita nasamahan kahapon." Bulong sakin ni Besty. Magkatabi lang kasi kami sa upuan.

"Ah okay lang." Sabi ko at ngumiti.

"Sinamahan ka naman ni Lance kahapon eh kaya hindi ka loner" mapang-asar na sabi nya.

Te-teka nga?! Kasama ko daw? Sino? Si La-lance? Bakit nya alam?

"Tumawag ako kahapon kay Lance, tinanong ko kung may ginagawa sya, wala naman daw. Kaya pinapuntahan kita." Sabi nya.

"Pano mo naman alam na nasa mall ako?" Tanong ko.

"San mo ba ako laging niyayaya?" Tanong niya pabalik.

"Sabi ko nga." Lagi ko kasi syang niyayaya sa mall. Syempre girl's bonding.

"So anong ginawa nyo ni Lance sa mall?" Tapos ngumiti sya ng nakakaloko.

"Naglaro" sabi ko.

"Ng? Tagu-taguan? Ikaw ha!" Tapos sinundot-sundot nya yung tagiliran ko. Baliw nanaman tong Bestfriend ko.

"Baliw." Then I rolled my eyes.

--

"Ma'am excuse me po. Pwede po bang mahiram saglit si Yella Estrella?" Sabi nung tao sa pinto.

"Ohmyyy! Ang pogi talaga ni Darwin."

"Ang swerte naman ni Yella."

"Waaaahhh!!"

Yan ang mga naririnig ko dito sa mga classmate ko nung dumating si Darwin sa room. Tch. Talaga tong mga to, basta pogi kinikilig eh.

"Ms. Estrella? Tawag ka ni Mr. Monzon." Sabi naman sakin ni ma'am.

Let's Act  (Wag Kang Mafa-Fall)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon