Act 19

51 3 0
                                    


Lance's POV


Kakatapos lang ng acting class namin. Akalain mo yon natapos namin ang isang scenario, ang galing ko talaga. Ako ang nagtataguyod sa kanila. Hahaha joke lang baka isipin niyo ang yabang ko!

Ang saya pala umarte, nakaka-enjoy! Napapansin ko si Yella parang hindi siya makapag-focus ng ayos. Ewan ko kung bakit. Pero kahit ganon ang galing pa'din ni'ya. Pwede si'yang Best Actress. 

Tinanong ko naman siya kanina kung ayos lang siya. Okay naman daw. Haays ang gulo talaga ng mga babae.

Speaking of mga babae, merong papalapit sa gawi ko. Ang dami nila!

Dapat na ba akong tumakbo? Baka kuyugin ako ng mga 'to eh. Iba na gwapo..

Maglalakad na sana ako papalayo ng may tumawag sa pangalan ko.



"Lance! Papicture naman oh.. Please?" Sabi nung isang babae na naka pout pa. Hindi naman bagay para siyang bibe.

Mabait naman ako, kaya pumayag na ako. Baka isipin pa nila napaka-arte ko.


*Click*

*Click*

*Click*

*Click*

*Click*

*Click*

*Click*

*Click*


Peste naman! Ngawit na bibig ko kakangiti, tapos eto sila panay selfie pa'din. May naglilip stick pa nga eh.


"Ah ladies, tapos na ba?" Tanong ko.


"Hindi pa! Wait lang.." Sagot nung isa.
Wow ha?! Aba naman! Ano bang tingin nila sa akin? Tao malamang. Nakakahiya naman sa kanila.


Aish paano ba ako makaka-alis sa zoo-ng 'to? Puro higad na! Nangangati na ako ha! Anong gagawin ko?


Sakto namang padaan si Yella, kaya makakagawa ako ng paraan. Hulog si'ya ng langit!


"Yella! May gagawin pa tayo di'ba?" Tanong ko ng makalapit siya samin.


Napataas naman ang kilay niya. Nakoo makisama ka naman kahit ngayon lang Yella. Pleaseee!


"Ha? Parang wala ak--"


Bigla akong lumapit sa kanya at inakbayan siya.


"Sorry ladies, may kailangan pa pala kaming asikasuhin, right Yella?"

 

Tumingin ako sa kanya at pinandilatan siya ng mata. Makisama ka!


"Nag-e-enjoy kayo sa kanya hindi ba?"


Tumango naman yung mga babae. Nagniningning pa yung mga mata nila.. nakakatakot!


Let's Act  (Wag Kang Mafa-Fall)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon