A/N : Ang scene na mababasa niyo sa Chapter na ito ay hindi kwento nung mga bida sa totoong buhay nila dito. Start na ng acting class nila sa school. Get's?
---
''Yella as Ash,
Lance as Josh
Kevin as Gabe
Cindy as Stella"Lights! Camera! Action!
Let's Act
[Scenario 1]
Yella's (ASH) POV
''Girl! May transferee!" Girl 1.
"OMG! Ang pogi!" Girl 2.
"Sana classmate natin siya!" Girl 3.
"Hoy mga lokaret! Sino na naman yang pinagnanasaan niyo diyan ha?!" Ayan na naman si Ate, umeepal na naman. Hays.
"Nako ayan na naman si Dakilang Epal! Alis na nga tayo, panira talaga 'yan." Girl 2.
"Ako? What? Dakilang Epal?" Nagtanong ka pa Ate. Tss.
Tinapik ko si Ate sa kanyang balikat.
"Yeah? Dakilang Epal.""Ang kakapal nila! Eh sila nga malalandi eh."
Umiling ako "Kung patuloy mo silang sisitahin wala talagang makakaagaw ng title mo."
Nabatukan naman ako ng Ate ko sa sinabi kong 'yon. "Bakit?! Totoo naman eh!" Reklamo ko sa kanya.
"At paano naman ako naging Dakilang Epal, ha Ash?"
"Aba malay ko, tanong mo kaya sa kanila."
Nakooooo! Kumukulo na naman mga blood cells ng Ate ko. Pero tama naman yung mga estudyante dito. Epal talaga siya. As in EPAL! Lahat pinuna niya, wala siyang hindi mapapansin, lagi siyang nakontra kaya tinawag siyang Dakilang Epal.
"Easy ate. Ah teka.. paki-spell naman yung EPAL, please?" Nag pout pa'ko para mas dama niya yung pagple-please ko.
"E-P-A-L nag-aaral ka ba talaga? Epal lang hindi mo pa kaya i-spell."
"Eh ikaw nga graduate na hindi parin alam spelling non. Tss epal lang hindi pa alam."
"Anong hindi alam? Tagalog na tagalog pa spelling ko!"
"Mali nga!"
"Ah ewan. Sige nga ano ba spelling?"
"Edi S-T-E-L-L-A. Grabe Ate! Araw-araw mo sinusulat pangalan mo tapos hindi mo alam spelling."
Lagot! Lagot talaga ako! Parang bombang sasabog si Ate ngayon. Hindi pa man siya nagsasalita ay tumakbo na ako palayo habang tawa ng tawa. Ang saya talaga inisin ng Ate ko. Para siyang torong manunugod ngayon! Hahaha ang galing ko talaga!
"Araayy!" Napahawak ako sa braso ko na ngayon ay may gasgas. May nakabanggaan pala ako, hindi ko siya napansin dahil tawa ako ng tawa.
"Tulungan na kitang tumayo." Inilahad niya ang kanyang isang kamay sa akin pero hindi ko inabot 'yon.
"No thanks." Tumayo na ako at pinagpag ang pwet-an ko.
"Ako na nga tumutulong kahit na ikaw 'yung nakabangga sakin tapos ikaw pa'tong maarte." Sabi ng lalaking nabangga ko.
"Oo nga nabangga kita, pero hindi mo naman ako kailangan tulungan. Hindi mo 'rin ako kailangang sabihan ng maarte." I rolled my eyes. " By the way sorry." Pagkasabi ko non ay naglakad na ako paalis.
BINABASA MO ANG
Let's Act (Wag Kang Mafa-Fall)
Teen FictionDon't act if you know the truth, just face the Reality and throw the Fantasy. No Take 1, No Take 2, No Take 3 ON AIR tooo! Lights! Camera! Action! Let's Act