Act 14

96 12 2
                                    


Yella's POV

"Hi little YD!" Bati sakin ni kuya pagpasok ko ng mansion. Tinanguan ko lang siya, pagod ako remember?

"Sungit talaga neto."

"Maganda naman."

"Kapal eh. Mahiya hiya ka naman!"

"Kala mo siya hindi. Mahiya ka 'den!"
Pumanik na ako para pumunta sa room ko, kaylangan ko ng magpalit ng damit nabasa din ako ng pawis kanina. Ayokong magkasakit, kahit nasasaktan ako. Hanudaw?!

Pagtapos kong magpalit ay bumaba ako para kumain hindi pa ako nakain simula kanina masyadong busy eh.

"Hey little YD, gusto mo?" Tanong ni kuya pagkababa ko.

Kasalukuyan siyang nakaupo sa sofa at kumakain kaya tinabihan ko siya at nakikain din. Sakto si'ya sa gusto ng alaga ko sa tiyan. Haha!


"Mukhang masaya ka yata kuya?"

"Of course. Haha!"

"Bakit? Ano bang meron?"

"Anong bakit? Bawal bang maging masaya ang Kuya mo?"

"Oo lalo na't wala kang dahilan. Ayoko magkaroon ng baliw na kapatid. Tss." Makangiti naman kasi tong si Kuya akala mong pagmamay-ari na niya buong Pilipinas. Ang labo namang mangyari non.

Ngumiti siya ng mas malaki kumpara kanina "3rd Anniversary namin bukas ni Laurice."

Ah. Kaya pala.

"Anong balak mo?"

"Syempre may pasabog Kuya mo. Ako pa ba?"

"Nako, baka kung anong pasabog 'yan Kuya ha!"

"Grabe ka sa'ken! Hindi ako ganon!"

"Wala pa akong sinasabi! H'wag kang ano!"

"Ah wala pa ba? Sorry naman.." Abnormal din talaga 'tong Kuya ko.

"Ate Laurice is so lucky to have you Kuya. Oh wag lalaki ulo tanggalin ko laman nyan."

"Correction! We're both lucky to have each other. Tsaka ako lalaki ang ulo? Matagal ng malaki 'to!" Sabay tawa niya. See? Abnormal talaga.

Napangiti ako sa sinabi ni Kuya. Ang sweet niya kase sa girlfriend niya.. kahit samin ni mommy, sweet si Kuya. Ganon nga yata kapag abnormal.. sobrang sweet sa taong mahal niya. I'm happy for Kuya and Ate Laurice. Ang tagal na'din pala nila. Mukhang hindi na nila papakawalan ang isa't isa. Botong boto naman ako kay Ate Laurice kesa dun sa Ex ni Kuya, masyadong plastic 'yon eh sarap kalbuhin.

"Ang sarap siguro sa feeling na mahal ka'din ng taong mahal mo no' Kuya?" Tanong ko sa kanya.

He smiled "Oo naman. Hindi kasi masasayang yung pagmamahal na binibigay at pinapakita mo."

"Eh pano naman yung mga nagmamahal na hindi kayang suklian yung binibigay at pinapakita nila?" 

"Edi itigil nalang nila."

Itigil? Pero pano? Ang hirap.

"Ang hirap naman non Kuya. Haha! Tsaka suko agad?"

"Hindi yon mahirap kung gusto mo talaga... pero kung alam mong masusuklian 'yan edi h'wag kang sumuko. Fighting lang!"

"Bakit ba kasi natibok ang puso sa maling tao?! Nagmamahal lang naman pero bakit kailangan masaktan?"  Ayan na naman. Magdra-drama na naman ang lola niyo.

Let's Act  (Wag Kang Mafa-Fall)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon