Yella's POV
Pagkadating na pagkadating ko sa mansyon ay agad akong tumakbo papasok.
Agad ko namang nakita si Manang Rosie. Siya ang pinaka katiwala namin dito, parang lola ko na nga'yan eh.
"Manang Rosie! Nasaan po si Kuya?" Tanong ko sa kanya.
"Nandito ako bakit?"
"Ayun oh." Turo niya mula sa living room.
Agad naman akong pumunta kung nasaan si Kuya.
"Kuya!"
"Why?" Tanong niya.
Pinakita ko sa kanya yung daliri ko na kanina pa nadugo.
"Anong nangyari dyan?" Pag-aalala niya.
"Nagdidikit kami ng mga flyers kanina tapos nastapler ko bigla yung daliri ko. Waaahhhh Kuya!" Para akong batang nagsusumbong sa tatay ko. Haha
"Manang Rosie! Pakikuha naman po yung medicine kit." Utos ni Kuya.
Pagkakuha ni Manang ay agad siyang pumunta kung nasaan kami ni Kuya.
"Mag-iingat ka sa susunod Yella ha?" Paalala ni Manang.
Ngumiti naman ako "Opo."
Pagka-alis ni Manang ay sinermonan agad ako ni Kuya.
"Ano ba akala mo sa daliri mo? Papel? Ang hirap tanggalin niyan, nakabaon na."
Sumimangot ako at "Hindi ko naman alam na hindi pala nakasentro yung papel, kaya yung daliri ko yung nadali."
"Siguro nalipad yung isip mo no? Kaya hindi mo napansin na hindi nakasentro. Tss "
"Anong nalipad? Wala namang pakpak tong isip ko!" Sabi ko sa kanya. Totoo naman dba? Kelan pa nagkapakpak ang isip ng tao?!
"Ewan ko sayo."
Naglabas na si Kuya ng mga Alcohol, Betadine, Cotton, Band-aid at kung ano-ano pa.
Tinatanggal muna niya yung mga dugo sa paligid. Ang shakeeeet!
Alcohol kaya yung gamit niya! Mahapdi yooooon!"Araaaayyyyyy!!!" Sigaw ko at sigurado akong dinig yon hanggang kapit-bahay.
"Wag ka ngang sumigaw! Nakakarindi ka kamo!" Saway ni Kuya sakin.
"Masakit kaya! Ikaw kaya mastapler no?!"
"Bakit kasalanan ko yan?"
I roll my eyes "Tss. Whatevs."
--
Klea's POV
Kanina pa kami nandito sa bahay namin at hanggang ngayon wala pa si Besty. Nasaan na kaya yong Babaitang yon? Mas nauna pa siyang umuwi samin eh.
"Baby?" Tawag sakin ni Derrickmahlabs
"Hmm?"
"Pupunta ba daw si Yella?" Tanong niya.
"I don't know Baby." Sagot ko.
"Puntahan kaya natin sa kanila." Suggest ni Ace.
"Makikikain ka lang don eh." Pang-aasar ni Reid.
"Anong masama?" Tanong ni Ace.
"Mahiya ka naman oy!" Sabi ni Lance.
"Tara na nga." Sabi ko.
"Saan?" tanong ni Ace.
Tignan mo'to siya nag-aya tapos hindi alam saan pupunta.
Napapoker face ako ng sumagot ako sa tanong niya "Kila Besty."
![](https://img.wattpad.com/cover/58900270-288-k691278.jpg)
BINABASA MO ANG
Let's Act (Wag Kang Mafa-Fall)
أدب المراهقينDon't act if you know the truth, just face the Reality and throw the Fantasy. No Take 1, No Take 2, No Take 3 ON AIR tooo! Lights! Camera! Action! Let's Act