Act 11

74 19 5
                                    



Yella's POV


Natapos na kami sa pagpri-print ng mga Flyers at pag-aayos ng mga gagamitin namin.

"Tinawag ko na yung mga officers, papunta na sila." Sabi ng kakadating lang na si Darwin.

"Good." Sabi ko.

"So bukas, room to room na? " tanong niya.

"Oo." Sagot ko.

Isa isang nagsi-datingan ang mga Officers ng Smithstruck. Magdidikit kasi kami ng mga posters at flyers. Hindi naman namin kaya ni Darwin gawin lahat ng yon. Kaylangan namin ng tulong nila, tsaka para saan pa at may Officers kung wala silang gagawin dba?

"Let's go?" tanong ni Darwin.

Tumango ako bilang sagot.

Lumabas na kami ng Office ni Tita. Kanya-kanyang dala kami ng gamit.
Mababait ang mga officers namin kaya hindi ako nagsasawa na kasama sila.

Nagsimula na kaming magdikit sa mga wall ng building namin. Sa first year kami nagstart since nasa first floor sila. Nagdikit din kami sa mga bulletin board ng building namin.

"Ayos na ba?" Tanong ko.

"Yes Pres." Sabi ni Liza.
Si Liza ang Secretary ng Smithstruck.

"Sa second floor naman." Sabi ni Darwin.

Umakyat na kami papuntang second floor kung saan nandon ang mga room ng third at fourth year highschool. Sa first floor kasi, first at second year. Tapos sa third floor naman is yung library, laboratory at Theater. Doon sa Theater kami nagpapractice kapag may laban na sa mga singing,dancing at acting (Smithstruck).

Pero minsan kapag gagawa kami ng short film na ipanglalaban namin sa contest, buong school sakop namin. Alangan namang sa isang place lang kami magte-tayping dba?!


Nang makarating kami sa second floor, ay nagdikit ulit kami. Mabilis lang namin ginagawa, madami-dami naman kasi kami at sanay na.

"Aray!" Bigla akong napatigil sa pagsta-stapler ng ibang flyers ng mastapler ko ang daliri ko. Ouch!

Ang tanga tanga ko naman! Hindi ko napansin na hindi pala nakasentro sa papel.

"Ayos ka lang?" Tanong ni Darwin.

Tumango nalang ako, kahit sobrang sakit.

"Nadugo yang daliri mo oh." Pagpansin niya.

"Hayaan mo na." Sabi ko.

"Anong hayaan? Pumunta ka na ng clinic kami ng bahala dito." Utos niya.

"Hindi na. Sanay naman akong masaktan." Natatawang sambit ko.

"Nahugot pa si Pres!" Sabi naman ni Kenji.

I smile "Let's continue. Don't mind me."

Nagpatuloy na sila sa pagdidikit. Oo sila lang, hindi ko magalaw isang kamay ko eh. Ikaw ba naman ang mastapler, hindi ka ba masasaktan?

Pinunasan ko ng dahan-dahan ang nadugo kong daliri. Nakabaon talaga, katulad nung sa papel.

Sinubukan ko paring magdikit kahit papaano. Ako ang President, so dapat  ako ang unang kumilos. Ayoko maging iresponsable.

"Tapos na." Sabi ni Darwin.

"Tara na sa third floor, para matapos na tayong magdikit at makapagbreak na." Sabi ko.

Let's Act  (Wag Kang Mafa-Fall)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon