Act 17

46 7 1
                                    



Reid's POV


Hindi ko lubos na maisip na sasagutin agad ako ni Lindsey!
I'm so happy, masaya rin naman ako ngayon.. halos araw-araw pa nga eh. Maisip ko palang na sinagot na ako ng babaeng gustong gusto ko? Nagtatatalon na ako sa tuwa.

Sa dami ng manliligaw niya ako pa ang binigyan niya ng malaking chance. Napakaswerte ko sa kanya.
Noong nalaman ng barkada na kami na, nagulat sila lalo na si Ace. Syempre nanliligaw din siya kay Lindsey. Si Yella naman parang normal lang. Binati pa nga niya ako. Akala ko ano eh..


Flashback

Pumunta agad ako sa tambayan para ibalita na sinagot na ako ni Lindsey. Yes kami na! Ang sayaaa! Hindi ko mapigilan na ngumiti ng sobrang laki.

Agad kong binuksan ang pinto at hindi nga ako nagkamali. Nandoon nga sila at nagkwe-kwentuhan.

"Oh Tol! Akala namin hindi kana susunod dito." Sabi ni Derrick.

Naghabol muna ako ng hininga. Ang layo din ng tinakbo ko ano.

"Bakit hingal na hingal ka yata?" Natatawang tanong ni Yella.

"Baka may tinataguan na utang. Haha!" Abnormal talaga 'tong si Lance. Ano akala niya sakin may utang sa bumbay?

Ngumiti ako ng napakalaki. "May sasabihin ako kaya ako nagmadaling pumunta dito." Tumigil muna ako sandali bago magpatuloy.  "Kami na ni Lindsey."

Pagkasabi ko non ay parang natigilan silang lahat. Nagulat din siguro sila. Kahit ako eh hindi ko akalain. Ilang saglit lang ay umimik na'rin sila.

"Oh? well congrats!"

"Thanks Yella!"

"Seryoso pre?" Hindi makapaniwalang tanong ni Ace.

"Yes! Mukha ba akong nagbibiro?"

"Kelan pa?" Tanong ni Klea.

"Kanina lang.."

Magtatanong pa sana ulit sila ng magsalita ako. "Pwede bang umupo muna ako? Nakakapagod tumakbo ha!"

"Sino ba may sabing tumakbo ka?" Tanong ni Lance.

Sino nga ba?  Wala naman, eh sa gusto kong sabihin agad sa kanila eh.

"Nagjo-joke ka yata Reid eh?" Hindi talaga makapaniwala si Ace. Talo kasi siya! Hahahays.

"Seryoso ako Ace. Kahit tawagan mo pa siya ngayon.."

Hindi na siya umimik pa sa sinabi ko. Natahimik ulit kami, akala ko lalamunin na kami ng katahimikan ng biglang tumawa si Lance kasabay ng pagbatok niya kay Ace. May saltik talaga 'tong isang 'to.

"Para saan naman 'yon?!" Naiinis na tanong ni Ace kay Lance.

"Napakabagal mo kasi ayan tuloy naunahan ka!"

"Ibang klase lang talaga galawan nitong si Reid!" Sabi ni Derrick.

Talaga 'tong mga mokong na'to. Kung ano ano sinasabi. Hindi ba pwedeng malakas lang talaga ang charms ko? Haha joke lang.

Binato naman ako ng throw pillow ni Ace na agad kong nasalo "Tss. Sayong sayo na si Lindsey!"

I smirked "Akin na talaga. Walang makakaagaw."

End of Flashback

Hindi naman kami nagkaka-ilangan ni Ace. Tanggap na niya. Haha! Isa pa, hindi naman niya ganong kagusto si Lindsey. Yung ugok na'yon magseseryoso sa isang babae? Malabo pa sa malabo.

Let's Act  (Wag Kang Mafa-Fall)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon