Act 7

92 25 3
                                    



Yella's POV




"Ang love pwedeng sa kaibigan, girlfriend, pamilya at kay God. Lahat kasi sila binibigyan natin ng pagmamahal. Lahat sila importante satin. Lahat sila tanggap natin. Hindi porket hindi ka nya gusto dapat ayawan mo na din siya. Matuto tayong magmahal ng walang kapalit. Meron din namang nagmamahal satin, madami pa nga eh. Dapat bigyan natin yon ng halaga. Ipadama na mahalaga sila satin. Dahil hindi ka matututo magmahal kung walang nagmamahal sayo." Yan ang opinion ni Reid. Akala ko Lindsey eh. Pero mali ako. Masyado na akong nagpapabulag sa selos.


"Ako naman." Sabi ni Lance. Ano ako talaga huli?

"Ang Love minsan nasa air minsan naman blind. May mga taong nagmamahal sayo at minamahal mo pero ano? Iiwan ka din sa ere. Ipagpapalit ka sa iba kasi may mas nakakuha ng atensyon niya. Ipagpapalit ka kasi may mas nakahihigit sayo.  Pero meron pading taong laging nandyan para sayo. Para tulungan ka, para i-comfort ka. Wag tayong tanga. Nagmahal tayo ng isang tao na hindi tayo kayang ipaglaban. Tapos kung sino pa yung laging nasa tabi natin yun pala yung tunay na nagmamahal satin." Seryosong sabi niya.

Bakit ganon? Bakit parang mas humuhugot pa yung mga lalaki kesa sa mga babae? Kala ko puro kalokohan lang sasabihin ng mga to, pero hindi. Parang mas marami pa silang alam kesa samin.

"Besty ikaw na." Sabi sakin ni Besty.

Umayos ako ng upo, parang iniintay talaga nila yung sasabihin ko.
"Actually, wala nakong masabi. Ako ba naman hinuli nyo! Pero hindi naman yata ako papayag ng ganon ganon nalang. Mag-e-MMK ako." Biro ko sa kanila, pero walang nagreact. Masyado silang seryoso kaya umayos nako.

"Love? Nakakain ba yon? Kasi kung 'oo' busog na busog ako araw-araw. Ang sarap sa pakiramdam na maraming nagmamahal sayo. Yung pinapadama nila sayo na mahal ka talaga nila. Pero minsan hahanap hanapin mo talaga kung anong klaseng pagmamahal ba ang gusto mong maramdaman. Yung tipong sa dinami dami ng nagmamahal sayo hindi sya kabilang. Sa lahat ng nagmamahal sayo gusto mo yung kanya lang, pero hindi pwede. Bakit? Kasi hindi nya kayang ibigay ang pagmamahal na gusto mo sa kanya. Ilang taon mo syang minahal, pero eto sya parang wala lang sa kanya. Manhid sya kumbaga. Yung tipong kahit pukpukin mo sya ng martilyo sa ulo, wala padin. Hanggang pagkakaibigan lang ang kaya nya. Pero okay na. Ano bang magagawa dba?" Tumigil ako sandali para pigilan ang luhang papatak sa mukha ko. Iyakin kasi ako eh.

"Minsan sa sobrang daming nagmamahal sakin, nawawalan na sila ng time. Mahal nila ako pero hindi nila ako mapaglaanan ng oras. Lagi silang busy sa iba. Lagi silang busy sa trabaho. Kaya eto ako pilit na iniintindi ang sitwasyon. Pero ganon nalang ba lagi? Ako na lang ba lagi ang iintindi? Parati nalang ba akong mag-a-adjust? Naiisip din ba nila na nasasaktan ako? Na hindi ako manhid para hindi maramdaman to? Tao naman ako eh! Nasasaktan at nakakasakit!" Hindi ko na napigilan na umiyak. Gusto ko na ilabas lahat ng sakit sa puso ko.

Ngumiti ako kahit bakas sa mukha ko ang lungkot "Sabi ng parents ko Mahal nila ako, kaya sila nagtatrabaho para samin ni Kuya. Sabi naman ni Kuya, mahal niya ako dahil ako daw ang nag-iisang kapatid niya. Sabi naman nila lolo, lola, at mga tito't tita ko, mahal nila ako kasi kadugo nila ako. Sabi nyo naman mahal nyo ako kasi simula bata palang magkakaibigan na tayo. Walang titiwalag satin. Kahit hindi nyo sabihin alam ko naman yon. Naiintindihan ko. Pero pano naman Ako? Gusto ko kayong lahat makasama pero wala kayong time. Gusto ko makasama parents ko pero busy daw sila. Gusto ko makasama si Kuya kaso may Girlfriend siyang inaasikaso. Gusto ko makasama sila lolo't lola kaso nasa ibang bansa sila. Gusto ko kayong makasama pero bawal. Bakit? Si Besty may boyfriend, lagi kayong may date. Si Ace at Reid naman busy manligaw. So pano ako? Ako nalang ba laging iintindi satin? Mahirap ba akong bigyan ng time? Kasi kung mahirap dapat hindi nyo nalang sinabi at pinaramdam sakin na mahal nyo ako." Napatigil ako nung hinawakan ako ni Besty sa braso.

Let's Act  (Wag Kang Mafa-Fall)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon