Chapter 5~ Maine in danger

173 8 0
                                    

Maine's POV

"HAHAHAHAHAHA! Oo nga e! Grabe ka. Kaya mo palang gawin yun?" Kasalukuyang nag tatawanan kami ni Alden dahil sa mga nangyari kanina. Grabe kasi, ang sweet niya sakin kanina tapos akala mo talaga e kami.

"Tss, ako pa? May future to sa actingan, no?" Sabi niya. Napatawa naman kami lalong dalawa.

"Wala ka rin kahangin-hangin sa katawan mo, no? Tss." Then tumingin siya sakin. This time, medyo seryoso na.

"Bakit ganyan ka makatingin? May problema ba, Alden?" I asked him. Syempre kahit papaano may concern ako sa kanya.

"Wala." Then tumingin na siya sa daan. Nabalot ng katahimikan ang paligid namin. I decided to break the silence and open the topic about sa matagal nang gumagambala sakin.

"Alden." Then he look at me.

"Bakit?" Kununot ang noo niya.

"Bakit ako? I mean, of all pretty girls in the school, ako pa yung napili mong maging fake girlfriend mo. Why me?" I asked him. He sigh.

"I told you already about it, right? Dahil kay Kenneth. Galit ako sa kanya." He said. Ok.... Tss, sige na. Medyo na-disappoint ako dun. Hays.

"Bakit ka ba galit kay Kenneth? Dahil half bro mo siya?" Umiling siya.

"Hindi ko naman talaga siya kadugo dahil sa tatay. Anak siya ng step mother ko sa iba." Sabi niya.

"Anlayo ng sagot mo, Mr. Faulkerson. Ang pinaka tanong ko kasi e bakit galit na galit ka kay Kenneth? Tss." Inirapan niya naman ako. Wow, bakla lang? Tss.

"Ok. Fine. Back when we were a kid, lagi kaming nag lalaro sa park. Dun sa park sa kabilang village." Sabi niya.

"Alam mo yung park sa kabilang village? Grabe! Dun ako laging nag lalaro nung bata pa ako." Inirapan niya naman ako. Strike 2 ah.

"Diba ako pinag ku-kwento mo? Please, keep your mouth shut. Ok, so yun na nga. May isang gurl akong nakita. She's pretty. That time, alam kong nagkagusto na agad ako sa kanya. Lagi kaming magkakalaro until one day, inamin sa akin ni Kenneth na sila na. Nagalit ako ng sibra sa kanya. I heard that nag migrate sa US yung kalaro namin and after a week, sumunod sa kanya si Kenneth. Di ko lang sure if nag kita sila dun. Starting that day, hindi na kami naging ok ni Kenneth." He said. Grabe. So meaning, may first love na si Alden? Hays.

"Ah, kaya ngayon, pati ako dinadamay mo sa galit mo kay Kenneth?" Seryoso kong tanong. Tss.

"It's because alam kong ikaw ang weakness ni Kenneth. Ikaw, ang babaeng mahal niya. Tss." Sabi niya. Diba dapat kinikilig ako? E bakit parang hindi? Aish, ewan!

"Ibaba mo na ako dito." Sabi ko sa kanya. Dito muna ako sa isang coffee shop. Nakaka stress tong si Alden e.

"Bakit? Iuuwi na kita. Baka kung mapaano ka pa pag iniwan kita kung saan saan." Sabi niya.

"Tss, makaasta akala mo concern. Sige na, ibaba mo na ako dito." Sabi ko sa kanya. Pero pinaandar niya yung sasakyan paalis.

"I may be acting I don't care but I really do." Sabi niya? Ha? Ano daw?

"Wag mong sahihing naguluhan ka sa sinabi ko?" Sabi niya sakin. Napaiwas na lang ako ng tingin.

"Tss, such a slow one." Sabi niya habang nakatingin parin sa daan. Ano ba kasi yung ibig sabihin niya? Tss.

"Alden, ibalik mo ako dun sa coffee shop, nandoon parents ko. Bili." And nag nod lang siya. Wala naman talaga doon sila Nanay e. Gusto ko lang talagang mag kape.

Mr. Famous is my Fake BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon