Chapter 14~ Maine's Confession

122 7 0
                                    

Maine's POV
Nagising ako dahil sa alarm clock ko. Second dat na mag kasama kami ni Alden buong araw. Bukas, after nun, tapos na.

Tss, parang hindi naman practice ang ginawa namin e. Pagkatapos kong sukatin yung gown, nag aya siya na kumain sa labas. Ako naman si uto-uto, pumayag. Tss.

Nag foodtrip lang yata kami buong araw kahapon e. Tss. Feeling ko, sinabutahe ni Alden yung tatay niya para magkausap kami. Tss. Hinding hindi ko hahayaan na may masabi ako.

~
7am na pero wala parin si Alden. Nasan na ba yon? Gutom na ako ha? Tss. Ano? Nagsawa na agad? Hays.

Maya maya, may nag text sakin. Dali dali kong kinuha yung phone ko. Baka sakaling nasa labas na si Alden.

From: RJ Faulkerson
Come over my house. I have a surprise for you. Don't bring anything. Just you.

Nagulat ako sa text sakin ni Alden. Bakit naman niya ako papapuntahin sa bahay nila? At saka sa pag kakaalam ko, pag may surprise e yung hindi ko talaga alam. Tss.

Dahil sobrang curious na ako, I decided na pumunta kela Alden. No choice ako. Ayun ang gusto niya e.

~
After 20 mins, nakarating na rin ako sa bahay nila Alden. Hays. Kinakabahan ako, ano ba kasing surprise yung sinasabi niya?

Bumaba ako ng sasakyan at nag doorbell. Binuksan naman ni Manang yung pinto.

"Manang, si Alden po?"

"Ay hija, nasa taas." Nag mouth na lang ako ng thank you kay Manang at umakyat na. Ano kayang gusto mangyari nitong lokong to? Tss.

Pag bukas na pag bukas ko ng pinto ng kwarto ni Alden, nagulat ako sa nakita ko. Unti-unting lumalapit si Louise kay Alden habang nakapikit si Alden. Di ko na mapigilan tong sarili ko. Sasabog na talaga ako sa galit.

"What a surprise!" Malakas kong sabi. Bigla namang dumilat si Alden at nag smirk si Louise sakin. The nerve of that girl!

"Maine!" Gulat na sabi ni Alden. Halata sa mukha niya ang kaba.

"Ang ganda naman ng surprise mo, Alden! Ang ganda ganda!" Di ko na kaya. Bumaba na ako para makaalis na ng bahay na to.

"Walang hiya ka, Alden. Akala ko kung anong surprise yang gusto mong ipakita. Ano? Gusto mong ipakita at ipamukha saakin na wala ka talagang feelings at pakialam saakin?" Sabi ko sa sarili ko.

"Maine, wait!" Sigaw ni Alden habang sinusundan ako. Tumakbo ako hanggang sa may pinto pero ini-lock ito. WHAT THE HELL! Pati ba naman to nakikisabay?!

"Maine, wait lang!" Hinigit ni Alden yung kamay ko. I aggressively took it off me.

"Ano?! Ano nanaman gusto mo, ha?!" Galit kong sabi sa kanya. He sugh deeply.

"Maine, bakit ka ba nag kakaganyan? And what are you doing here? Diba pupuntahan kita sa bahay niyo?" Tanong niya.

"E gago ka pala talaga e, no?! Pinapunta ko ako dito! Itinext mo ako dahil sabi ko may surprise ka sakin. Hindi na sana ako pupunta pero pinilit ko yung sarili ko para sayong gago ka! Tapos ngayon, ganon ang madadatnan ko?!" Galit kong sabi. Di ko na kaya. Umiyak na ako.

"I didn't-"

"Shut up, you jerk! I don't have time for your any explanations! I don't have time for a shit like you! Now, open this damn door! I'm going home!" Me. Kahit sa utak ko, di ko na kayang mag ilusyon. Ang sakit. Ang sakit sakit pala talaga.

"Maine, ano ba-"

"Manahimik ka! Ang sabi ko, buksan mo tong pintong to para makaalis na ako! Open this damn door or I'll punch you in your freakin' face!" Sabi ko. He sigh.

"Maine, pag salitain mo muna ako, please?!" Sigaw niya. I smirked.

"Wow! Ikaw pa tong may ganang magalit, ha? Gago ka talaga! Gago ka! Gago!" Sigaw ko.

"Gago na kung gago pero ano bang nagawa ko sayo?!" Hinawakan niya yung kamay ko pero tinanggal ko agad.

"Get off me! Hindi mo alam kung anobg ginawa mo sakin?! Eto!" Kinuha ko yung phone ko para ipabasa sa kanya yung text niya.

"Yan! Ngayon, alam mo na?! Sige na! Aaminin ko na! Mahal kita! Mahal kita! Heard that?! Mahal kita!"

Alden's POV
"Yan! Ngayon, alam mo na?! Sige na! Aaminin ko na! Mahal kita! Mahal kita! Heard that?! Mahal kita!" Nagulat ako sa sinabi ni Maine. Mahal niya ako?

"Oh, ano? Hindi ka makapaniwala? Oo, mahal kita! Ang tagal na! Tagal tagal ko nang nag papakatanga sayo! Ok lang sana kung hindi mutual yung feelings natin e pero pinapunta mo pa talaga ako dito para masaksihan yung paghahalikan niyo ng kinakapatid mo?! You jerk! I hate you!" Paghahalikan?

"What are you saying? Hindi kami mag hahalikan ni Louise! Pinapikit niya kang ako tapos yun lang! Sabi niya, may surprise daw siya sakin kaya pinapikit niya ako! Maine naman, mag usap tayo ng maayos." Mahinahon kong sabi. Gusto kong kausapin si Maine. ETO NA yung tamang panahon para sabihin sa kanya ang feelings ko.

"Mag usap ng maayos?! Wala nang iaayos tong usapang to, Alden. Wala na! I give up!" Then dali-dali siyang lumakad palayo. Susundan ko sana siya pero may pumigil sakin.

"A, hayaan mo muna siya. Wag mo muna siyang pakielaman ngayon. Give her time." Sabi ni Louise. Gustong gusto kong sundan si Maine pero tama si Louise. I'll just give her more time. At least, may panghahawakan ako ngayon. Mahal niya ako.

Louise's POV
Sayang! Kung nung dumating si Maine e naghahalikan na kami ni Alden, edi sana mas lalo siyang sumabog? Tss. Dapat talaga inaga-agahan ko yung pag kiss kay Alden eh.

Pero ok na rin. At least ngayon, alam ko nang mag kakalabuan na sila. At malaki na ang pag asa kong magkagusto sakin si Alden. Yes, kinakapatid ko siya at hindi naman siguro big deal kung magkagustuhan kami, diba? I love him already. Too much. Simula pa noon. Kaya walang makakasisi sakin kung gusto kong paglayuin sila ng babaeng gusto niya. Yeah, he likes Maine. A lot. Kaya gagawin ko ang lahat para mapasakin lang si Alden at hindi siya mapapunta kay Maine.

Mr. Famous is my Fake BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon