Chapter 25 ~ Kenneth's Heartache

78 4 0
                                    

Maine's POV

"Class dismissed." Sabi ng teacher namin. Ugh, finally! Bakit feeling ko ang haba haba ng araw na to?

"Ang haba ng araw, ah." Biglang sabi ni Alden. Napatawa ako.

"I know, right. Parang antagal tagal kong hindi pumasok." Sabi ko kay Alden. He agreed with me.

Feeling ko, ngayon ko na lang ulit naramdaman na nasa kalagitnaan pa lang kami ni school year. Kasi before, syempre kasama ko si Alden. Landian to the max lagi. Then biglang di kami naging okay ni Alden. Ilang weeks, months akong nagtiis na hindi kausapin si Alden. Yon ang nagpabagal talaga ng buhay namin dito sa FMU ngayong last year na namin dito.

"Maine, san tayo?" Sabi ni Alden. Bigla kong naalala si Kenneth. I have to talk to him.

"Rj, kakausapin ko muna si Kenneth." Sabi ko kay Alden. Halatang nagfade ang energy niya.

"Rj, alam mo namang kailangan kong kausapin siya, diba? Gusto kong ipagpatuloy tong relationship natin nang walang iniintinding ibang tao. After all, ni minsan, hindi ako pinabayaan ni Kenneth after ng misunderstanding nating dalawa." Page-explain ko kay Alden. He sighed. Alam kong papayag na siya.

"Ano pa nga ba ang magagawa ko, diba? I want this relationship to work. And kung eto ang first step sa road to forever natin, I'll gladly to let you and do things such that." Sabi ni Alden. Napangiti naman ako. I hugged him.

"Thanks, love." Sabi ko. He hugged me tighter. Kinilig naman ako sa sinabi ko. "Love".

Napagdesisyunan namin ni Alden na hintayin na lang niya ako sa parking lot. Hindi naman siguro maganda kung harapan naming ipapakita kay Kenneth yung samin, diba? Nasasaktan si Kenneth and alam ko yon. And I know I have to do something. After all, naging special din naman sakin si Kenneth for a while. He's my crush since then. Pero hindi ko pagsisisihan ang pagiging torpe niya sakin dahil nakilala ko ang kapatid niya na minamahal ko ngayon.

To: Kenneth Medrano

Kenneth, let's meet.

Text ko sa kanya. Mas okay na ganito lang. Sa totoo lang, kinakabahan ako. But there's no way na hindi ko kakausapin si Kenneth. Ayakong magpakasaya hangga't may tao akong nasasaktan. That wouldn't feel right.

From: Kenneth Medrano

Nandito na ako. I'll wait for you.

Reply naman niya. Naglakad na ako papuntang field kasi don lang naman yung puno na yon. Habang naglalakad, iniisip ko nang iniisip ang right statements na sasabihin ko kay Kenneth pero walang pumapasok na magandang entry. Siguro, kakausapin ko na lang siya and sasabihin sa kanya kung anong tunay na nararamdaman ko. Para walang halong filter.

Kenneth's POV

Isang buong araw akong nandito sa punong ito. Saksi ang punong ito sa lahat ng pag-iisip ko about kay Maine.

Within a few minutes, darating na si Maine. At matutuluyan nang matutuldukan ang meron sa aming dalawa. Tuluyan na akong mawawalan ng chance. Gusto kong hindi siputin si Maine. Ayakong marinig lahat ng sasabihin ni Maine pero hanggang kelan ko yon iiwasan, diba? Kaya I decided na pumayag sa kanya and face her. Kasi in the end, di naman magbabago ang desisyon niya.

"Kenneth." Napatingin naman ako sa nagsalita. Syempre si Maine yon. Nakatayo at nakatingin sakin. Tinitigan ko siya. Yan ang mukha ng babaeng isusuko ko sa half brother ko. *laughs* Isusuko? Never naman niya akong pinili. Simula pa noong mga bata kami hanggang ngayon, hindi niya ako kayang piliin over my half brother.

Mr. Famous is my Fake BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon