Maine's POV
Currently, nandito kami sa Boracay dahil dito namin icecelebrate ang pagkapanalo namin sa skit.
"Oh, guys. Mamaya, bonfire ha." Sabi ni Raquelle sa amin. Lahat naman kami, nag-agree.
"Maine, nakita mo si Grace?" Tanong sakin ni Nikki. Umiling naman ako.
"Bakit? Anong nangyari?" Tanong ni Alden kay Nikki.
"Mukhang nag-away sila ni Paolo e. Di ko siya mahanap." Sabi ni Nikki samin. Tumayo naman kami ni Alden at hinanap si Grace.
"Rj, hanapin mo muna si Paolo. Kami na bahala kay Grace." Sabi ko kay Alden at tumango naman siya. Kami naman ni Nikki, nagpatuloy sa paghahanap kay Grace.
Naglalakad lakad kami hanggang sa makalayo na kami. Mga 15 mins away sa cottage and tents namin nang bigla naming makita si Grace sa di kalayuan. Nagkatinginan naman kami ni Nikki at tinakbo namin si Grace.
"Grace." Sabi namin kay Grace at tumingin naman siya samin. Luhaan siya.
"Anong nangyari?" I asked. Umiling iling naman siya.
"Wala." Sabi ni Grace. I sigh.
"Pati si Paolo nawawala rin. Ano bang nangyari?" Tanong ni Nikki kay Grace. She sigh.
"Mahal ko si Paolo." Sabi ni Grace at natuwa naman kami ni Nikki don.
"Oh, yun naman pala e." Masaya kong sabi kay Grace at nakangiti rin si Nikki.
"Pero, hindi ko kayang sabihin sa kanya." Sabi ki Grace.
"Bakit naman?" Tanong ko sa kanya at umupo na rin sa tabi niya.
"Kasi, baka di niya ako kayang ipaglaban e." Sabi ni Grace at napatingin naman ako kay Nikki.
"For sure, magugustuhan nila Tito at tita si Paolo." Sabi ni Nikki sa kanila. I get it. Maybe this is about the fix marriage.
"Pinaglaban ko na ang feelings ko kay Paolo kela Papa. But I guess, talagang di sila patitinag." Sabi ni Grace samin.
"Alam mo, Grace. As long as magkasama kayo ni Paolo, kakayanin niyo lahat." Sabi ni Nikki.
"And alam mo Grace, alam naman namin na mahal ka talaga ni Paolo. At kaya ka niyang ipaglaban." Sabi ko kay Grace na mas iniyakan niya.
"Alam ko." Sabi ni Grace. Napailing naman kami ni Nikki.
"Alam mo naman pala e. E bakit ka ba naiyak pa dyan?" Sabi ko kay Grace. Humarap siya sakin.
"Kasi mas pinili kong talikuran si Paolo. Kasi alam kong masasaktan siya pag di talaga kami tinigilan nila Papa. Masasaktan kami pareho. At lalo na-" sabi ni Grace nang may nagsalita.
"I told you numerous times, na kakayanin ko lahat para sayo." Napatingin naman kami sa nagsalita at si Paolo yon kasama si Alden. Tumayo naman kami ni Nikki at yumakap ako kay Alden.
"Paano kung-" hindi na pinagsalita pa ni Paolo si Grace at hinalikan ito. Halata namang nagulat si Grace.
"Hoy!" Sabi ni Alden. Pinsan niya kasi si Grace pero pinigilan ko na lang siya. Hinila namin siya ni Nikki palayo.
"Babe, let them be. Hinahayaan ka naman ni Grace sakin ah." Sabi ko naman kay Alden at napatawa na lang kami.
Throughout the day, nag enjoy lang kami nang nag enjoy. 3 days kami dito and lahat, ittry namin. Kain, langoy, activities. Yan ang mga ginagawa namin. And hindi rin namin nakakalimutan ni Alden na magpicture.