Chapter 41 ~ Awarding

40 2 0
                                    

Maine's POV

Nandito kami sa awarding ngayon. And lahat, kinakabahan sa award kung sini ang best skit at mga best actors.

"Maine, for sure naman, kayo mananalo. Kita naman e." Sabi ni Kenneth. Nandito kasi siya sa tabi ko.

"Talaga?" Sabi ko sa kanya. Gusto ko sana matuwa pero sa ngayon talaga, sobrang down na down ang feeling ko. Sobrang lungkot, sobrang sakit. Pero ang best thing to do now is wag masyadong magpahalata na nasasaktan ako.

"Okay, let's go with the Best Supporting Actor and Actress." Sabi ng emcee. Lahat naman, naghiyawan pati na rin sila Zyrelle at Nikki.

"Our Best Supporting Actor is...... from A section! Zyrelle John Villamayor!" Sabi ng emcee at lahat naman kami, nagtayuan at habang pinapalakpakan si Zyrelle. Masayang umakyat si Zy sa stage and lahat kami, masayang masaya sa mga pangyayari.

"Nikki, for sure, ikaw din ang best supporting actress." Sabi ko kay Nikki. Nginitian niya ako.

"Sure din ako na tayo ang mananalo." Sabi naman ni Nikki.

"Okay, Mr. Villamayor, step aside lang and tatawagin na namin ang iyong best supporting actress." Sabi ng emcee.

"Okay, moving on. Our Best Supporting Actress is....... from A scetion as well! Ms. Nicole Kinnah Soriano!" Sabi ng emcee at napatayo nanaman ang lahat. Hindi makapaniwala sa mga pangyayari. Sobrang laking achievement to samin. Umakyat na si Nikki sa stage at lahat kami, nakatayo para suportahan sila.

"You know what, Maine. Sure talaga na kayo ang mananalo. Lahat ng minor awards, nasa inyo na rin. Ngayon, pati ang major awards, for sure sa inyo rin." Sabi sakin ni Kenneth. Gusto ko nang maniwala sa sinasabi niya. I thanked him and he hug me. Pagkayakap niya sakin, sakto naman na nagkatinginan kami ni Alden. He's currently sitting with Raquelle and Vince. Umiwas ako ng tingin sa kanya at kinalas ang pagkakayakap namin ni Kenneth. We just both smiled.

"Okay, bago ang lahat. Meron kaming bagong awards na napag-usapan. Eto ang 'Best Pair Award', 'Best Team Award', 'Best Student Awardee' and 'Best Director Award'. But then, hindi porket panalo ng best pair award ang main roles, sa kanila na rin ang best love story award. But, we won't know kasi it's up to the judges. Next, ang best student awardee naman is para sa student na nakitaan ng sipag at tyaga sa practices nila." Sabi ng emcee. Bumaba na rin sila Nikki at Zyrelle. Masayang masaya silang bumaba habang magkaholding hands at iwinagayway ang mga medals nila. Nakakatuwa. Sobrang laking hirap ng lahat lalo na si Zyrelle na pinagsabay ang training at practice sa skit.

"Okay, unahin muna natin ang Best Director Award. Our best director award goes to..... Me. Vincent Lim and Ms. Raquelle Ferrer!" Sabi ng emcee at lahat nanaman kami, nagtayuan dahil saamin nanaman ang major award.

"Hindi na ako magtataka kung hahakutin niyo talaga ang awards." Sabi ni Kenneth. Ngumiti naman ako sa kanya.

"Alam mo, nakakapagtaka lang. Balit ka dumeretso dito e kung galing kang airport? Saka bakit ka umuwi?" I asked him. He pouted.

"Ayaw mo ba akong umuwi, Maine?" Sabi ni Kenneth. I slightly punched his arms.

"Sira, syempre gusto. Nakakapagtaka lang kasi all of a sudden, umuwi ka and dito ka talaga sa school dumeretso." Sabi ko sa kanya. He sighed.

"Alam mo, let's focus na lang muna dito dahil diba? Achievement to para sa inyo and mamaya na lang natin pag-usapan lahat ng gusto mong itanong." Sabi ni Kenneth. I just nodded and umupo na rin kami dahil paupo na rin naman sila Raquelle.

"Okay next award is the Best Team Award. This award will be given to the section who has an outstanding teamwork during the practices. So students, di niyo lang alam na while you were practicing, inopen namin ang CCTV to each classrooms para makita namin kung sino ang mga busy at pinaglalaanan talaga ng oras ang skit." Sabi ng emcee. Napa-isip ako. Maayos naman ang teamwork namin kaya feeling ko, malaki ang pag-asang amin din ang award na ito.

Mr. Famous is my Fake BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon