Maine's POV
On the phone with Chienna:
M: Siguro, tama na rin decision ko, right? Masyado ko na ring napahirapan si Alden and sabi mo nga diba maybe I should give him a chance to explain once and for all. Saka tama ka naman, cous. May pagkakamali rin ako. And wala halos alam si Alden sa mga nangyayari and kung bakit ganon na lang ang galit ko sa kanya.
C: Wow, Nic. Ba't parang biglang lumambot ka? Marupok 101 ang galawan mo gurl?
M: *laughs* Hindi. Napag-isip-isip ko lang na may point ka, ate. And ako rin naman ang nagsusuffer sa mga ginagawa ko e. Naiyak pa rin naman ako.
C: Oh, e bakit andami mo pang chika dyan? Mag-ayos ka na, Nic. Andami nating napamili kanina. Magsuot ka naman ng bago.
M: Mag-aayos pa ba ako? Yung bongga ba? *laughs*
C: Sira. Napaghahalataan ka talaga, Nicomaine. Mag-ayos ka lang ng sakto lang. Baka nakakalimutan mo, mag-uusap lang kayo, hindi magddate.
M: Hindi ba counted as date na rin yon? Pagjojoke ko
C: Parang kanina lang sa mall, iniwasan mo at tinaguan mo pa. Ngayon, nakukuha mo nang magbiro? Well sabi nga nila, jokes are half meant. So understandable naman yang joke mo.
M: Shut up nga, ate. Mag-aayos na nga ako. Balitaan kita. Bye, mwa.
Then pinatay ko na agad yung call. Pero to be honest, nagdadalawang isip pa rin naman ako e. Kasi nga diba, syempre antagal naming nag-iwasan- or should I say, antagal kong umiwas. Then biglang mag-uusap. E parang kahapon lang, tinakbuhan ko pa si Alden.
Yung feeling ko? Halo halo e. Nae-excite ako at the same time, kinakabahan, and natatakot- natatakot na baka bumigay nanaman ako sa kanya. Hindi naman mapagkakaila na I love that guy and I might lose my shape again pag nakausap siya.
Lumuhod ako sa may altar ko dito sa room ko and nagdasal.
"Papa G, kayo na lang po ang bahala sakin. I surrender my all to you, dear Lord. Ikaw lang po ang nakakaalam ng mas makakabuti sakin. At kung ano man po ang magiging result ng pag-uusap namin ni Alden, tatanggapin ko po ng maluwag sa loob ko. Amen."
After that, nag-ayos na ako. 8:30 ang usapan namin ni Alden and quarter to 8 na.
Alden's POV
Nandito na ako sa restau. 8:10 pa lang ng gabi. Kinakabahan ako na nae-excite. Ano kayang gawin ko? Yayakapin ko ba or hindi? Hay, ngingitian ko na lang si Maine.
Wala akong kadala dala ngayon kundi ang sarili ko. Pero rember noong unang beses kami dito sa restau na to? I bought her a bouquet of roses and she even cried kasi first time may nagbigay sa kanya non. Sabi nga niya sa kuya niya, hinahanarang daw kasi mga lalaking may balak manligaw sa kanya. Nakakatuwa kung iisipin but at the same time, nakakalungkot. Gustong gusto kong bumalik sa mga panahon na yon but I guess, hindi na kami makakabalik. After this conversation, ibabaon ko na sa lupa lahat ng memories namin ni Maine. And that's a promise.
Kinuha ko ang cellphone ko at tiningnan ang photos. Mga pictures ni Maine na kinuha ko noong kami pa, I mean noong napagdesisyunan namin yung bwiset na fake relationship na yon. Sa pictures na to, marami ang secretly kong kinunan. I don't know but I'm starting to get my eyes wet nanaman. Grabe, di ko akalain na ang isang gagong katulad ko ay iiyak sa babaeng nagngangalang Maine Mendoza.
"Alden." Marami pa sana akong iisipin nang biglang may tumawag sakin. Si Maine, nandito na siya.
Napatulala lang ako sa kanya for how many seconds and pinunasan ang luha sa mga mata ko na gusto nang tumulo. Ayako na magmukhang obssessed kaya I just smiled. Hindi rin ako tumayo para ayusin yung chair para sa kanya.