Alden's POV
Nagising ako ng 5 am ngayon. Kakagising ko pa lang pero si Maine na agad ang nasa isip ko. What's wrong with me? These past few weeks puro Maine ang nasa isip ko, ugh.Bumangot ako ng kama ko and I fix my hair. Hays, ano kayang magawa?
Aha!
Ipapagluto ko si Maine ng breakfast. Tss, yun pa, e 1 hour before classes e saka yun naliligo. Hays.
Oops, Maine nanaman, Alden? Puri na lang Maine Maine Maine! Parang sira ulo!
Tss, basta ipaluluto ko siya.
I decided na bumaba na ng kwarto ko. Nakita kong may buka na ilaw na sa ibaba meaning, gising na yung ibang maids namin. Good. Matutulungan nila ako sa pag luluto ng breakfast for me and my girlfriend. Naks, Alden, pinanindigan na?
"Yaya, pwede niyo ho ba akong tulungan sa pag luluto?" I asked one of our maids para naman matuwa si Maine. Dagdag pogi points. HAHAHAHAHA! Aish, anong sinabi ko? Diba, wala? Tss.
"Anu bang lulutuen mo, Aldin?" Bisaya halos lahat ng katulong namin. Nung una natatawa pa ako sa pananalita nila pero ngayon, medyo nasanay na rin.
"Ano po bang usually na niluluto sa girlfriend or asawa mo pag umaga?" Asawa..... Naks, fake girlfriend pa nga lang ngayon tapos asawa na agad. Take note, PA LANG.
"Naku, ay syimpri i yung pritu laang. Kung gustu mu i ipagloto naten ng lugaw." Sabi ni Yaya. Lugaw? Matutuwa kaya si Maine dun? Hays, bahala na. Aarte pa ba siya e siya na nga yung ipapagluto e.
"Sige ho, lugaw na lang. Hindi naman ho pihikan yung girlfriend ko." Sabi ko. Tumingin naman sakin si Yaya. Sa lahat ng yaya, siya pinaka close ko. Siya yung parang mayor doma namin e.
"Naku, ikaw talaga, RJ. Baka pinag lalaruan mo laang iyung babaing iyon, ha? Naku, ikaw bata ka." Sabi niya sakin. Napatawa naman ako.
"Yaya, pang seryosohan na ito. Di ko na pakakawalan to." Pag aassure ko kay Yaya. Nag kibit balikat lang siya. Siguro naman pag naging kami talaga ni Maine e seseryosohin ko siya. Ngayon pa nga lang e. Aish, ano daw? Wala!
~
After 30 mins, natapos na kami sa pag lalagay ng mga ingredients. I decided na maligo muna para maaga akong makapunta kela Maine at makakain pa kami ng breakfast. I miss eating breakfast with her family. And of course, with her.Pag kaakyat na pagkaakyat ko, para akong si Flash. Ang bilis ko kasing kumilos e.
Habang naliligo ako, naisip ko nanaman si Maine.
Bakit kaya ganon? Hindi naman kami pero feeling ko, parang kami na talaga. Sinabi na namin kay Kenneth na kami pero dapat tapos na yung deal. Bakit ganon? Parang gusto ko e nasa akin lang siya. Hays, di ko na alam kung anong feelings ko towards her. The inly thing I know is.......... I learned how to like her already.
Maine's POV
*riiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiing*
Nagising ako mula sa panaginip ko nang mag ring ang phone ko. Ugh! I'm still sleepy. Sino bang natawag?Tiningnan ko ang caller at nakita kong.....
Calling RJ Faulkerson.....
Yeah, pati name niya sa contacts ko, iniba ko na. Para masabay ako na Rj ang tawag sa kanya.Phone Call
R: Good morning, Meng!M: Good morning. Ang aga mong tumawag, ah. Grabe. 6am palang.
R: Ano bang oras ng classes natin?
M: 8:30 am pa, RJ. Wag kang excited. Miss mo nanaman ako e. Tsk.