Chapter 20~ Bowling

113 6 1
                                    

Maine's POV

"Ano ba, Maine? Kanina pa tayo ikot nang ikot dito sa favorite boutique mo pero wala ka pa ring napipili until now. Mag iisang oras ka nang namimili, o." Pag rereklamo ni ate Chienna. E kasi naman, gusto ko ng black na sleeveless tapos medyo manipis yung tela. Sabi kasi nila Nanay at Tatay, baka daw mag beach kami in two weeks. Nako, ngayon na nga lang nagkaroon ulit ng chance na mamili ng sobra e.

"E may mga na bili nanaman ako ah!" Sabi ko .

"Kahit na. Marami ka na ngang nabili pero after non, dito mo ako dinala na mag iisang oras na pero wala la paring napipili." Pag mamaktol niya. Napatawa naman ako kasi actually, siya ang may bitbit ng mga pinamili ko. Pati mga sapatos. Kasi namimili pa ako ng damit tapos may hinahanap pa ako.

"Next time na nga lang." Sabi ko at kinuha lahat ng pinamili ko sa kanya.

"Uwi na tayo o stay longer at mag iikot pa?" I asked. Nag isip niya. Habang papalabas kami, nakita ko si Alden. Hindi ako nagkakamali. Si Alden talaga iyon. Papasok siya sa Bowling section at may laruan pa ng bowling don. Hinihit ko papalayo si Chienna.

"Bakit ka ba nag mamadali?" She asked. Hiningal ako don, ha. Tumakbo kasi kami papalayo. Ayakong magkita muna ulit kami ni Alden.

"Kasi nakita ko yung kaaway nung classmate ko na inggit sakin. E baka madamay ka pa." Magsisinungaling ko. Napa "ah" lang naman siya.

"Maybe, umuwi na lang tayo. Mas mabuti na yon and siguro naman, enough na itong tig 10 bags tayo ng pinamili." Pagaaya niya. I just nodded at umalis na kami. Buti, walang pasok bukas. Nakaka inis. Iniiwasan ko ngang makita si Alden tapos ganon? Ay grabe talaga.

Alden's POV

"A, akala ko ba basketball? E bakit mo kami dinala dito sa may bowling section?" Sabi sakin ni Derrick. Isa sa mga barkada ko. Sabi ko kasi, basketball kami pero mas gusto ko yatang mag bowling. I used to play this with my dad pero, simula noong nalaman kong may bagong kapalit ang mommy ko, hinding hindi na ako nakipag bonding sa kanya. Although, tanggap ko na ng konti.

"Bigla kong na-miss to e." Simple kong sabi. Nag nod lang silang lahat.

"E kamusta naman kayo ni Maine? Grabe, bro. Balitang-balita sa school ang pagiging obsess mo sa kanya." Sabi ni Kris. I sigh.

"Totoo yon. Actually, fake girlfriend lang talaga ang pakay ko sa kanya. Gusto kong pagselosin si Kenneth. Kasi ng inagaw sakin ni Kenneth si Nic-nic dati. Tapos nalaman kong mahal na ni Kenneth si Maine and sakto, may gusto si Maine kay Kenneth nung time na yon kaya nakaisip ko ng plano na aayain kong maging fake girlfriend si Maine kapalit ng magpush ko sa kanila ni Kenneth. Di ko na,an inaasahan na ganito mangyayari." I expalined. Napatingin silang lahat sakin na may halong pag tawa.

"Grabe, tol. Kinarma ka. Ikaw naman kasi e. Move on move on din pag may time kay Nic-nic." Sabi ni Jhake. Nagtawanan silang lahat.

"Move on na ako don. Balak ko na ngang makipag ayos kay Kenneth kasi sakin naman may gusto si Maine kaso bigla boom! Agawan nanaman kami. Kaya no choice na makipag away ulit." Sabi ko. Umiling iling naman silang lahat.

"Tol, 10 years na kayong magkaaway ni Kenneth a." Sabi ni Miguell sakin. Napaisip ko. Oo nga naman. Sampung taon na lahat. Noon si Nicnic, ngayon si Maine.

Habang nag iisp ako, biglang pumasok sa isip ko si Maine at si Chienna.

"Eto ang ikakagulat niyo mga tol. Nakita ko kanina si Chienna Capili! Tanda niyo yung ikinuwento ko sa inyo? Yung pinsan ni Nic-nic! Nakita ko siya kanina sa coffee shop malapit sa subdivision nila Maine at ang mas nakakagulat pa doon, kasama niya si Maine. Sasabog na utak ko kanina pa nung makita ko yon e. Di kaya, related si Maine at Nic-nic sa isa't isa?" Sabi ko. Parang naging interested din sila sa sinabi ko at tumabi sakin. Hindi muna sila nag bowling.

"Talaga, tol? Baka nga related sila! Tapos sakto parehas mo pang minahal. Yung isa, first live tapos eto, second love!" Sabi ni Kris sakin. Umiling iling naman si Derrick habang nakikinig lang ako sa mga sinasabi nila.

"Baka great love ni Alden si Maine hindi second. Pero pwede ring second." Sabi ni Derrick. I look down.

"E tol. Paano naman kung nagkita-kita kayong tatlo? Ikaw, si Maine at si Nic-nic. Anong gagawin mo, tol? Sinong pipiliin mo?" Seryosong tanong ni Miguell. Bigla kaming natahimik lahat. I sigh.

"Si Maine pipiliin ko pero yung bond ko kay Nic-nic, hinding hindu mag babago. She's special anyway. Pero tol, medyo napaisip mo ako. Ano kayang gagawin ko, no?" Sabi ko. Lahat sila nagtinginan tapos tumingin sakin.

"Ikaw lang makakasagot nan pag natuloy nga yon. Pag nagkita kita kayong tatlo. Pero eto pa ang isa pang posible na mangyari. Pwedeng si Maine at Nic-nic ay iisa." Napatingin kaming lahat sa sinabi ni Derrick. Possible nga yon.

"If that really is, di na ako mag tataka kung bakit nagkagusto din si Alden kay Maine. Simply because nagkagusto din si Alden kay Nic-nic." Sabi ni Jhake. Hanggang sa natahimik ang lahat. After a few minutes, nagtawanan kami. Sobrang naging seryoso ang usapan namin. Hindi mo aakalaing manggagaling sa kanila yung mga seryosong sagot na yon kasi mga gago sila. Kami.

Kenneth's POV
Nandito ako ngayon sa mall. May binili lang ako sa National Book store. Kailangan namin ito para sa wednesday. May ipapaactivity yung teacher namin e. Pagkalabas ko ng NBS, nakita ko ding tumatakbo si Maine higit higit si Chienna. Sinundan ko sila pero napansin kong papasok sila Alden sa bowling malapit sa boutique na pinanggalingan nila Maine. Siguro, nakita ni Maine si Alden.

Bigla akong kinabahan. Sana, hindi magkita o hindi dumating yung time na magkita si Chienna at Alden. Kung hindi, patay na. Malalaman niya nang si Nic-nic at Maine ay iisa. Mas lalong ipaglalaban ni Alden si Maine. Imbis na mapalapit ulit kami ni Maine sa isa't isa, baka mas mapalayo pa.

I decided na umuwi na. Sana lang talaga, hindi sila magkita kita. Yun lang naman hinihiling ko e. Minahal ko si Nic-nic when I was still young and now, I loved her again bilang Maine.

Pagkauwi ko, agad ako sinalubong ni Papa. Nagkakape siya at napatingin siya sakin.

"Ken, let's talk." Panimula ni Papa. I just nodded.

"Kanina, nakausap ko si A about Maine. And alam kong involve ka din pag sinabing Maine Mendoza." Sabi ni Papa. I just look down.

"You and Alden are really obsessed with her. Do you guys know who really she is?" Sabi ni Papa na sanhi ng pagkunot ng noo ko. Hindi kaya alam ni papa na iisa lang si Maine at nic nic na pinag awayan namin ni Alden?

"Bakit po, Papa?" I asked him. He sigh.

"Do you remember Nic-nic?" Nagulat ako sa sinabi ni Papa. Napa nod na lang ako. Gusto kong kay Papa mismo manggaling.

"Nic-nic went to US when you guys are still 7 years old. When her family got there, nabalitaan kong nabangga ang sasakyan nila. Si Nic-nic ang pinaka grabe ang nangyari so she got an amnesia. The doctor said, temporary lang daw yon pero I was able to talk to her parents yesterday nang magkita kami sa coffee shop and they said na until now, may mga certain things pa rin na hindi maalala ni Maine. And that includes you and Alden and some of your childhood memories." Sabi ni Papa. Ah! Kaya pala hindi niya kami ma-recognize. May amnesia siya.

"After a week of her car accident, dinala natin si Alden at ikaw sa psychiatrist niyo. May itinurok sa inyo na isang gamot na hindi makakaalala agad sa isang tao o bagay na palaging nasa isip niyo. Ginawa namin yon para hindi masyadong maging grabe ang away niyo. Yung tinurok sayo, sakto lang. Pero yung kay Alden, sobrang nasobrahan." Papa explained. So kaya di ko agad siya nakilala? Bumalik lang ang memories ko sa kanya nang makita ko ang isang taong related sa kanya?

"Pero papa, Alden and I remembered what happened in the past. All of it." Sabi ko.

"But hindi niyo na aninag ang mukha ni Nic-nic, diba?" Napatungo lang ako don. Totoo naman kasi. Naaninag ko lang ulit ang mukha niya nung makita ko si Chienna. I sigh. I have to say this to Papa.

"Si Maine at Nic-nic ay iisa, diba Papa?" Nagulat si Papa sa sinabi ko at tumango. I sigh. Tumayo na ako at pupuntang kwarto ko. Ngayon, alam ko na ang lahat lahat ng nangyari.

Mr. Famous is my Fake BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon