Chapter 36 ~ Basketball Game

50 2 1
                                    

Maine's POV

It's been a week since my memories came back and all I can say is my relationship with Alden became stronger after that incident. Mas naghohold onto kami sa isa't isa at mas tumibay relasyon namin. Why? It's just because alam naming kami talaga ang nakalaan para sa isa't isa. See? Pinaglayo na kayo before but then, we found ourselves in the arms of each other. And God really made a good decision na kalimutan ko muna siya at maalala ngayon. Siguro dahil para mas marealize ko na kahit there's so much more in life, kung itinakda Niya kayo, you'll find each other again with His perfect timing. And that's one thing that we're holding onto.

Currently, nandito kami sa school. We're only down to 2 weeks to prepare for the play and lahat kami, kabado na. We're halfway in practice na rin. Props and costumes are halfway too. Siguro mga 70% na nagagawa namin? Maski kaming actors, pag walang ginagawa, mas pinipili naming tumulong sa props men dahil sila talaga ang napapagod sa play.

"Okay, ready na yung mga actors dito sa scene na to." Sabi ni Raquelle.

"Quelle, diba mamaya yung basketball game nila Zyrelle? Why don't we watch? Let's rest just for today and sabi naman ni Zyrelle, starting tomorrow makakaattend na siya ng buong time sa practice dito. What do you think?" Suggestion ni Nikka. Napatingin naman sa kanya lahat na parang nang-aalaska.

"What are you guys looking at?" Pa-inosente niyang sabi samin. Nagsimula nang magkantsawan sa room.

"Anong nakain mo, Nikka? Parang just a few weeks back then, tinataguan mo pa si Zy lalo na pag ihahatid ka pauwi. And pag may basketball game sila, hindi ka talaga nanonood. Anong meron ngayon?" Pang-aasar ni Dana sa best friend niya.

"Ano bang sinasabi niyo? Gusto ko lang din namang makapagrest tayong lahat. And mas maganda siguro kung ipapafeel natin kay Zy na we're here to support him para naman mas ganahan siya maglaro." Nikka said at mas lalo namang naghiyawan lahat.

"Niks, masyado ka nang halata. Ano nang catch niyo ni Zy?" Tanong ni Raquelle. Oops, mukhang manonood nga kami ng basketball game ni Zy kasi pati si Raquelle nakikipagbiruan na.

"Anong 'catch' sinasabi niyo dyan? Walang meron samin." Pagdedeny ni Nikka.

"Okay. Hindi tayo manonood ng game ni Zy hangga't di naamin si Nikka. As far as I know, 5pm ang start ng game nila Zy and 4:45pm na." Sabi ni Raquelle. Lahat naman nagstart nang pilitin si Nikka. Napatawa naman kami ni Alden.

"You know what, babe. Last week, narinig ko si Zyrelle at si Nikka na nag-uusap. And sabi pa ni Zyrelle, ipapakilala na raw niya si Nikka sa kanila para legal na raw relationship nila. At eto pa, pinakiusapan ako ni Nikka na wag silang ibuking ni Zyrelle and to keep my mouth shut. I did naman and sila ang may kasalanan kung bakit sila nabuking." Bulong ni Alden sakin. Di naman ako makapaniwala but OMG!!! Finally si Nikka at Zy na!!!

"Raquelle, kaibigan ba kita or what? Why are you doing this to me?" Pagcchange topic ni Nikka. Mas nag-ingay naman ang classmates namin.

"Ay nako, Nikka. Umamin ka na kasi." Biglang sabi ni Alden. At napatawa naman kami.

"Ano ba, Alden? I told you to keep quiet!" Hiyaw ni Nikka kay Alden. Mas napatawa naman kaming lahat.

"Bakit, Niks? Ano bang sinabi mo kay Alden?" Panghuhuli ko sa kanya at napa-face palm naman si Nikka.

"Nikka, natakbo oras mo. Baka mas mapaaga ang game nila Zy, sige ka di mo mauumpisahan." Pananakot naman ni Vince. Nikka sigh.

"Okay, fine! Kami na." And with that being said, parang nakawala sa hawla ang mga tao dito sa room pati kami ni Alden. Lahat kami, napatalon sa tuwa.

Mr. Famous is my Fake BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon