Maine's POV
Today is the day na mag-uusap kami ni Louise about sa 'past' nga raw naming tatlo nila Alden and Kenneth. And sabi niya, involved din daw siya.
To be honest, I wanna talk to ate Chienna first bago ako kumuha ng information sa ibang tao about sa mga nangyari nga in the past but then, malabong mapuntahan ako ni ate Chienna ngayon. Nagpapakasaya siya sa buhay niya ngayon and ayako namang maging malaking harang sa happiness nila ng boyfriend niya.
Anyways, nandito na kami ni Alden kanina pa sa school together with our classmates but may hinihintay pa kami- skla Zyrelle and Nikka.
"Dana, tawagan mo na nga si Nikka. Baka magkasabay lang sila ni Zyrelle." Pag-uutos ni Raquelle sa isa naming classmate. Agad namang nagdial si Dana sa phone niya.
"By the way, guys. Habang hinihintay nating makumpleto tayo, may ia-announce ako. Para after neto, deretso practice and work work na. For sure naman malapit na sila Zy." Sabi ni Raquelle.
"So eto ang napag-usapan kahapon sa meeting. Marami na raw kasi ang nagrereklamo kung bakit 25-30 mins lang ang skit. Mahirap nga naman yon dahil magdedeliver ng lines plus magcchange background pa. And costumes as well. Kaya naman napagmeeting-an na gawing 45 mins hanggang 1hr and 15 mins ang skit. Estimated naman namin ni Vince, aabutin lang tayo ng 50 mins to 1hr. And isa pa. Mamo-move ang play. Hindi na siya next next week. Next month na siya dahil yun nga. Napakaraming nagrereklamo na hindi raw kaya within 2 weeks. Kukulangin daw sa oras. So mas magiging maluwag tayo sa oras, guys. Instead na hanggang 8pm tayo, gagawin natin until 6:30-7pm lang. But pag final week na lang yung preparation, mageextend until 8-8:30pm. Gets niyo?" Sabi ni Raquelle. Lahat naman kami, nag agree. Ayos. Maaga makakapagpahinga. Sa tingin ko, matutulungan pa ng actors ang mga props men.
"Pano na ba yan, Meng. Mas maluwag na time natin. Pwede na akong magpahinga sa bahay niyo kahit 1hr lang after natin magpractice." Sabi ni Alden sakin. We both smiled.
"Right! May kaunting time para makapagrest together. Quality time? *laughs*." Sabi ko naman at mas lalo kaming napatawa.
"E anong balak?" Tanong ko sa kanya.
"Uhm... well kung 6:30 ang dismissal natin, mga 7pm nasa bahay niyo na tayo. Or pag 7 naman, 7:30 nasa inyo na tayo. That means pag 7pm nasa inyo na tayo, pwede ako magstay until 8pm so meron akong 1hr. Pag naman 7:30, I still have 30 mins to rest beside you. Aagahan ko pa rin ang uwi para sobra sa tulog. Edi may energy tayo, right?" Sabi ni Alden. Nakakalungkot. Before noong di pa napprocess tong skit na to, mahaba haba ang time namin together. Ngayon naman, maikling time na nga lang, pagod pa kami.
"Raquelle!" Nagulat kami sa sumigaw. Si Nikka. Hingal na hingal siya. Halatang tumakbo siya papunta rito.
"We have a problem, guys."
Alden's POV
Hindi nanaman tuloy ang practice dahil nanaman kay Zyrelle. But this time, it's really a big trouble.
Flashback
"We have a problem, guys." Sabi ni Nikka sa amin pagpunta niya rito sa room.
"What?" Nag-aalalang sagot ni Raquelle.
"Injured si Zyrelle. And mukhang hindi siya makakalakad sa ngayon." Sabi ni Nikka. Lahat kami, nagulat sa ibinalita niya. And we all run para puntahan si Zyrelle. Sabi ni Nikka, nasa clinic na raw si Zyrelle.
End of Flashback
At the Clinic
"Guys, Raquelle, sorry ha. Hindi ko nasabi sa inyo ang deal namin ng coach ko." Sabi ni Zyrelle. Nalaman kasi namin na simula 4am hanggang 8:30am, magpapractice siya ng basketball. And yun ang deal nila ng coach niya dahil hindi daw pwedeng umabsent si Zy dahil may laban next week. But then, things got worse.