Maine's POV
Andaming nangyari in the past few weeks and masasabi kong nakakapagod yon. As usual, puro practice lang kami. After winning the basketball game, bumalik na permanently si Zyrelle sa pagpapractice and walang humpay na pang-iintriga ang lagi nilang nadadatnan pag pumasok sila ng room namin. And kami ni Alden, hindi na kami masyadong makapag-usap talaga ng ayos. Paggising sa umaga, kanya kanyang breakfast kami ni Alden sa kanya kanyang bahay then susunduin niya ako. Sa kotse, madalas natutulog ako. Pagdating naman dito sa school, hihintayin namin mga classmates namin na dumating and kami, tulog parehas- nakasandal sa shoulders ng isa't isa. Then pag practice time na, lahat kami seryoso. Nagkaka-usap lang talaga kami ng ayos through our characters. Pag break naman, nakain kami ng sabay. Kasama namin ang classmates namin kaya naman hindi rin kami makapag-usap ng ayos. But don't get me wrong. Maayos ang relationship namin ni Alden. After practice, uuwi kami sa bahay namin and doon magdidinner. Saka lang kami nakakapag-usap ng paunti-unti dahil pagod, syempre. Pag-uwi naman niya sa kanila, magtetext lang siya then sabay na kaming matutulog, then repeat the process. Ganyan ang nangyayari saamin ngayon ni Alden but then, wala naman kaming magagawa. We promised each other na babawi kami sa isa't isa after this whole thing. Gusto naming lahat manalo para wala na kaming finals pero madedehado naman kami ni Alden dahil isa samin, or pwedeng kaming dalawa, mapilit as Romeo and Juliet. Edi panibagong month nanaman yon of practice. Masyado na kaming naaabala.
Skit
Zyrelle: Micheal, bro, pasensya na talaga. Hindi ko sinasadya.
Alden: Hindi mo sinasadya ang alin? Ang mafall sa girlfriend ko? O ang makipagsabwatan kay Jane na paglayuin kaming dalawa? O baka naman both, pare?
Zyrelle: Micheal, I'm telling the truth. Hindi ko gaano kagusto si Elisse. It's just that, masyado lang akong napush ni Jane na paghiwalayin kayo.
Alden: Kaya ba nagkunwari kayo ni Jane na 'kayo' para dito sa lintik na set-up na to? At dahil sa lintik sa set-up na to, napahamak si Elisse! And ngayon, hindi na niya ako maalala!
Nikka: Micheal, let me explain.
Alden: At anong karapatan mong magpakita rito, Jane? Bakit ba kayo nandito? Para guluhin nanaman kami ni Elisse? Para paghiwalayin nanaman kami? Ano pa bang gusto niyo? Ayan, oh! Nandito tayo sa hospital! Napahamak na si Elisse and worse, hindi na niya ako maalala! Yan ba ang gusto niyo?
Nikka: Kel, hindi! Hindi namin inakala na mangyayari to, please! Wag mo naman kami mssyadong sisihin dahil naaksidente si Elisse. Hindi kami ang bumangga sa kanya!
Alden: Hindi nga kayo! Pero kayo ang dahilan kung bakit kami nag-away! Kung bakit siya nakipaghiwalay sakin! At kung bakit siya naaksidente! Jane, sa sobrang bait ni Elisse, kaya niyang isacrifice ang sarili niyang happiness para sayo! Dahil kaibigan ka niya! Pinagkakatiwalaan ka niya! Tapos, eto. Eto ang igaganti mo?
Zyrelle: Micheal, we're very sorry of what happened.
Alden: Isa ka pa! Alam mo bang sasama na talaga sayo si Elisse at isusuko ako dito kay Jane? Alam mo yon, diba? Syempre alam mo! Dahil kayo ni Jane ang nagplano nito!
Nikka: Micheal.
Alden: Both of you, get the hell outta here and get lost! Ayako nang makita ang pagmumukha niyong dalawa!
Raquelle: And cut!
"Nice one, guys. Break muna tayo ng 15 mins then game na ulit. Scene 20 na tayo sunod. We're almost through, guys!" Sabi ni Raquelle and umupo naman sa tabi ko si Alden.
"Ang galing mo talaga, Rj." Sabi ko kay Alden and he smiled at me.
"Next scene, kasama ka na. Are you ready?" He asked me. I nodded. Paano ko nama mapapantayan ang galing ng boyfriend ko sa pag-acting? Grabe, kailangan maayos ang pag-act ko.