OO BOBO AKO

141 5 0
                                    


Pasensya kung 'di ko kayang ibigay sayo yung chemistry na hinahanap mo. Ikaw na sana ang bahalang umunawa, na kailanman 'di ko kayang ihain sayo ang perpektong relasyon na kasing perpekto ng perfect squared na kinukwento mo. Kasi mahina ako sa numero, kailanman 'di maaari. Mahina ako sa subtraction, addition, multiplication, division, Lahat.Kasi mahal, naniniwala akong ang bilang lang ng pagsasama natin ang dapat dumoble. Hindi ikaw. Ang mga inis , away, yamot, at galit lang ang may karapatang mabawasan. Hindi ako, o ikaw, o Tayo, hindi kailanman.Walang division sa pagitan natin kasi wala kang kahati. Walang addition kasi ikaw lang palagi. Kaya sana, maunawaan mo kung bakit matibay ang paniniwala kong hindi ang mga elemento sa peryodiko ni Mendeleev ang may karapatang ipaliwanag kung anong meron tayo. Kailanman walang science sa pagitan natin. Hindi si Newton, Leuccipus, Democritus, Curie, Einstein, Galileo, Kepler, Rutherford o Edison ang may karapatan. Tayo. Tayong dalawa.Hindi kita kayang intindihin base sa libo-libo mong teorya, pero kaya kitang intindihin at pag-ingatan ng walang teorya at basehan. Hindi ko kayang sagutin ang sangkaterbang katanungan na naglalaro sa utak mo, pero kaya kong makinig sayo, sa lahat ng mga kwento mo, kahit wala akong maintindihan. Kasi OO BOBO AKO. Dahil kaya kong huminga, matulog, gumising, kumain, lumakad at tumakbo ng hindi inaalam ang dahilan kung bakit.Kasi sakin, walang espasyo para sa ANO, SAAN, BAKIT, PAANO, KAILAN walang tanong tanong. Basta ang alam ko mahal kita, minahal kita, at mamahalin pa. Hangga't pumipintig ang pulso, Hangga't may ugat na tatawiran ang aking dugo.Asahan mong 'di ako hihinto.


Mga Tula ni Clyde AlcarazTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon