Sa tuwing matatapos ang gabi, pahangos mong sinasambit sa sarili na "Ayoko na ulit"
Gabi-gabi sinusubukan mong itanong sa mga aligagang daliri kung bakit hindi mo mahanap-hanap ang tuldok sa katagang paulit-ulit mong binabanggit.
"Ayoko na"
Gusto mong kumawala sa hapdi at kumalas sa pighati. Wakasan ang anumang sakit at kiliti na dulot ng mahabang pananatili.
Sa piling nya.
Kasi ayaw mo na. "Ayoko na ulit"
Gabi-gabi. Walang palya.
Pilit mong isinisisi sa matulin na pagpihit ng orasan ang mga pangyayari.
"Sana kasi hindi nalang. Hindi ko nalang sana sinubukang ibalik ang mga bagay na kusang binawi sakin."
Palaging ganyan. Walang humpay na pagmamartsa ng pagsisisi at lumbay.
Pilit kang kumakawala sa mabibigat na brasong nakadantay.
"Ayoko na. Ayoko na ulit."
Pero bakit nga ba? Sa kabila ng taimtim mong pagsisid sa kalaliman ng babaw nya. Sa mga pilit mong pagsagot sa mga katanungang 'di maipaliwanag ng siyensya.
Bakit nga ba?
Sa dami ng planong isinulat mo sa diary mo para wakasan ang anumang namamagitan sa inyong dalawa.
Bakit hindi mo magawa?
Dahil ga'no man gustuhin ng utak mong pigtawin ang nakasasakal na kadena, siya namang pilit pagbuga ng pusong nagma'makata' ng mga salitang "Kaya ko pa. Kakayanin ko pa."
Kasi napagod ka lang ng sobra.
Sobra. Sobra. Sobra. Sobra. Sobra. Sobra. Sobra. Sobra. Sobra. Sobra. Sobra. Sobra. Sobra.
Kalma.
Alam kong pagod na pagod ka.
Halika, sabay tayong magpahinga.
BINABASA MO ANG
Mga Tula ni Clyde Alcaraz
PoetryMga tula at akda na likha ng mapagpunyaging puso. Enjoy reading!