Salamat sa lahat ng talisod, tapilok, pagkadapa at pagkauntog.
Sa libreng lecture ng buhay sa loob at labas ng kwarto.
Sa lahat ng taong nagtiyagang isulat ang kanilang parte sa pahina ng buhay ko.
Sa mga taong mas minarapat na punitin ang kanilang ganap sa buktot na istoryang isinulat ko.
Sa mga taong tumayong tinta sa ballpen na ninakaw pa sa kaklase para maisulat ang pambihirang kwento gaya nito.
Sa loob ng apatnapu't walong linggo.
Taos puso akong nagpapasalamat sa lahat ng taong nagtulak sa martir na puso na wag huminto matuto, magpa-uto, at umukit pa lalo ng libong kwento.Maraming salamat.
Isang mahigpit na yakap na walang halong kamanyakan.
Maligayang bagong taon!
Talon tayo!
BINABASA MO ANG
Mga Tula ni Clyde Alcaraz
PoetryMga tula at akda na likha ng mapagpunyaging puso. Enjoy reading!