Kapag pakiramdam mo may kulang, ikwento mo.
Kapag sa tingin mo malabo, ikwento mo.
Kapag sa dinig mo maingay, ikwento mo.
At kapag hindi mo na maintindihan, ikwento mo parin.
Pero wag mong pipilitin.
Mula sa piraso ng gulagulanit na papel, binigyan tayo ng kakayahan ng kung sino man na pag dikit-dikitin ito bilang kurbahan ng mga letrang magsisilbing kwento. Dito kung sa'n mo pwedeng isulat ang lahat. Ng kaganapan, kasarapan, kagalakan, o kung ano pa mang kwento meron ka.
Pwede mong ikwento ng paiyak, patawa, o patanga. O kaya naman pakanta, pasayaw, o patula. Ikaw ang bahala.
Ang tanging bagay lang na dapat mong isaalang-alang. "Masaya ka."
Kagaya nito, mas pinili kong ikwento ang mga bagay na 'to sa anyo ng tula. Binubuo ng salita, talata, at tugma.
Pero walang sukat.
Kasi naniniwala ako, na ang mga salitang ibinubukal ng puso hindi dapat nililimitahan. Hindi dapat sinusukatan. Nandyan 'yan para ibahagi sa iba ang mga kwentong ikinwento mo sa kanya.
Kaya hayaan mo lang.
Wag mong diktahan.
Dahil pagsapit ng dapithapon, mapapagod na yan. At pag nangyari 'yon, bigyan mo siya ng panahon magpahinga.
Dahil bukas, pagsilip ng araw, pagsapit ng umaga. Handa na ulit siyang magkwento ng mga bagong bagay na natutunan nya mula sa'yo.Habang binabasa mo 'to.

BINABASA MO ANG
Mga Tula ni Clyde Alcaraz
PoetryMga tula at akda na likha ng mapagpunyaging puso. Enjoy reading!