May apat na panahon ang pag-ibig. Ang tag araw, tag ulan, taglamig, at taglagas. Tag araw ang araw kung kailan ngumiti ang araw para sakin upang sulyapan ang walang kawangis mong ngiti. Ang syang kalabit ng kiliti sa puso, na nag-udyok upang kilalanin ka ng mas madali. Ngayon din, hindi mamaya, hindi bukas o kailanman. Ngayon kung kailan saksi ang araw sa bawat hakbang na isasakatuparan. Hanggang sa dumating ang araw. na ang 'yong kamay ay handa ng kumapit sa ngalan ng mas malalim na pagkakaibigan, ng mas matalim na pagtitinginan. Sa pagsapit ng 'yong araw, ang 'yong kaarawan. Ang pagyakap sa mga rosas na alay ng pagmamahal. Ang pagpapasalamat sa panibagong hininga na bigay ng poong maykapal. At ako, para sayo, ang regalong natanggap. Ang mga katagang sinabi mo sakin na lubos kong kinagalak. Na handa mo ng tanggapin, na handa mo ng ipagsigawan, na ikaw at ako, ay tiyak ng magkasintahan. Sa ilalim ng sumasayaw na puno, saklaw ng kasiyahan na sabay nating nadarama. Sa mga kamay na naglilingkisan, sa mga pasimpleng akbay, sa likod ng mundong saksi sa landas na tinahak natin ng sabay. Hindi ko inakala. ni minsan, hindi sumagi sakin. Na ang saya't kilig na naging pang araw-araw na sigla may magagawa mong bawiin.Sa pagsapit ng Tag-ulan. Kasabay ng paglisan mo ang pagpatak ng aking mga luha, ang pag iyak ng kalangitan na naging saksi saking mga dusa. Hinanap kita, ngunit ang natapuan lamang ay alaala. Wala 'kong nagawa. Kundi ang maghanda sa pagsapit ng taglamig. Ang Taglamig. Dahil ito ang panahon kung kailan ang mundo ay tatahimik. Upang marinig ang bulong na ang naglaho ng kusa, ay di kailanman magkukusang bumalik. Ang lumamig ay di na iinit. Wala na. Ang inspirasyon sa bawat akda, ang natatanging hugot sa bawat tula. Ngayon, oras na para bumangon. Magising at labanan ang makapangyarihang bangungot. Tumayo sa harapan, simulan ang unang hakbang, bilang paghahanda sa nalalapit, ang pagsapit ng pinakamasakit-ANG TAGLAGAS. Salamat sa pagwawakas.May apat na panahon ang pag-ibig. Ang tag araw, tag ulan, taglamig, at taglagas. Tag araw ang araw kung kailan ngumiti ang araw para sakin upang sulyapan ang walang kawangis mong ngiti. Ang syang kalabit ng kiliti sa puso, na nag-udyok upang kilalanin ka ng mas madali. Ngayon din, hindi mamaya, hindi bukas o kailanman. Ngayon kung kailan saksi ang araw sa bawat hakbang na isasakatuparan. Hanggang sa dumating ang araw. na ang 'yong kamay ay handa ng kumapit sa ngalan ng mas malalim na pagkakaibigan, ng mas matalim na pagtitinginan. Sa pagsapit ng 'yong araw, ang 'yong kaarawan. Ang pagyakap sa mga rosas na alay ng pagmamahal. Ang pagpapasalamat sa panibagong hininga na bigay ng poong maykapal. At ako, para sayo, ang regalong natanggap. Ang mga katagang sinabi mo sakin na lubos kong kinagalak. Na handa mo ng tanggapin, na handa mo ng ipagsigawan, na ikaw at ako, ay tiyak ng magkasintahan. Sa ilalim ng sumasayaw na puno, saklaw ng kasiyahan na sabay nating nadarama. Sa mga kamay na naglilingkisan, sa mga pasimpleng akbay, sa likod ng mundong saksi sa landas na tinahak natin ng sabay.Hindi ko inakala. ni minsan, hindi sumagi sakin. Na ang saya't kilig na naging pang araw-araw na sigla may magagawa mong bawiin.Sa pagsapit ng Tag-ulan. Kasabay ng paglisan mo ang pagpatak ng aking mga luha, ang pag iyak ng kalangitan na naging saksi saking mga dusa. Hinanap kita, ngunit ang natapuan lamang ay alaala. Wala 'kong nagawa. Kundi ang maghanda sa pagsapit ng taglamig. Ang Taglamig. Dahil ito ang panahon kung kailan ang mundo ay tatahimik. Upang marinig ang bulong na ang naglaho ng kusa, ay di kailanman magkukusang bumalik. Ang lumamig ay di na iinit. Wala na. Ang inspirasyon sa bawat akda, ang natatanging hugot sa bawat tula. Ngayon, oras na para bumangon. Magising at labanan ang makapangyarihang bangungot. Tumayo sa harapan, simulan ang unang hakbang, bilang paghahanda sa nalalapit, ang pagsapit ng pinakamasakit-ANG TAGLAGAS. Salamat sa pagwawakas.
BINABASA MO ANG
Mga Tula ni Clyde Alcaraz
PoetryMga tula at akda na likha ng mapagpunyaging puso. Enjoy reading!