SI RAUL

30 1 0
                                    

Isang gabi na matutulog na ko dapat. Handa na ang mata sa pagpikit at ang diwa na lasapin ang sarap ng panaginip. Nang may isang haliparot na ipis ang lumipad at dumapo saking dibdib na naging dahilan ng bigla kong pagbangon at paghiyaw. Galit ako sa ipis. Kasi hindi sila mabuting kaibigan. Ni minsan hindi ko pinangarap mabuhay sa mundo na sila ang kasama. Hindi ako naging tao para magbigay aliw at makipaglaro sa mga katulad nila. At dahil galit ako sa kanila. Pinatay ko siya. Ngunit matapos kong hatawin ng walang habas ang kawawang ipis. Nalungkot ako bigla. Nalungkot ako kasi naisip ko pano kung walang pera yung pamilya niya para bigyan sya ng maayos na libing? Pano kung malungkot yung nanay nya ngayon kasi wala na yung anak na minsan niyang hiniling? Pano kung galit sakin yung kapatid nyang lalaki kasi pinatay ko yung kuya nya? Pano kung ung tatay nya magpakamatay dahilan ng matinding pangungulila? Nakakalungkot. At siguro iniisip nyo na baka nababaliw na ko o nasisiraan ng ulo. Pero tama kayo. Siguro nga nasiraan na ko ng bait, mula nung araw na pinaramdam mo sakin ang pait. Nabaliw ako nung umagang gumising ako nang wala ka saking tabi. Nabaliw ako nung tanghaling kumain ako mag-isa, dala ng pag-aalala na baka may nangyari sayong masama, "nasa'n ka na ba?" "kumain ka na kaya?" Nabaliw ako nung gabing umalis ka, na imbes matulog, na imbes magpahinga. Nanatiling gising pinipilit pagaanin ang bigat na dala, pinipilit sagutin ng pabulong ang sariling tanong "nasan ka na ba?" Nakakabaliw pagmasdan kung pano lumamig ang kape na tinimpla ko para sa'yo. Nakakabaliw pagmasdan ang sarili sa harap ng salamin na nag-aaliw sa lalim ng kawalan sinasabing ang paglisan mo ay hindi totoo. Bakit? Bakit ka umalis? Nagkulang ba ako? Bukod sa pagkukulang ko sa sarili ko dahil binuo kong muli ang mga wasak na parte ng pagkatao mo. Ano pang pwedeng dahilan? Bukod sa nagkulang ako maglaan ng segundo sa pamilya ko, kasi lahat nilaan ko para sa'yo. Ano pang pwedeng dahilan? Bukod sa nagkulang akong pagtuunan ng pansin ang mga kaibigan, kamag-anak, kapatid, kalaro. Dahil sa pagbuhos ko ng atensyon ko para sa'yo. Sabihin mo sakin may natitira pa bang dahilan? Nagkulang ba 'kong talaga? o 'di mo lang nakita yung kalabisan? Nakakabaliw na ikaw mismo na nagsabi sakin na kung sakaling mabutas ang kalubkob dahilan ng pagkasalubsob, mahal 'wag kang magdamdam bagkus magdasal ng marubdob. Andyan ang Panginoon. Palagi siyang nandyan, nakamasid, para tulungan tayo sa lahat ng gusot. Palagi syang nandyan, nakabantay, upang pumagitna at maging tagapamayapa sa matinding sigalot. Pero bakit? Pano mo kinayang lumayo para buuin ang ano mang kulang sayo ng walang pag-intindi sa laki ng pinsalang iniwan nito. Alam kong wala kanang balak lumingon, at bumalik para magbigay ng mas malinaw na tugon. Pero sana tulungan mo ako. Tulungan mo 'kong umusad palayo sa madalim na kwarto ng katangahan. Ituro mo sakin ang lugar at daan kung sa'n ko matatagpuan. Ang gamot, sa kabaliwan na iniwan ng dating tayo, ako, at ikaw. Tulungan mo ko. Para tuluyan na kong makabitaw sa'yo. Tang ina mo.



Mga Tula ni Clyde AlcarazTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon