'Yung iyak na hindi hinahanap ang tamang anggulo sa camera.
Iyak na 'di pang-highlights sa isang makabagbag damdaming pelikula.
Iyak na 'di kailangan ng audience na dapat makakita, makapansin o makapuna kung ga'no ka kagaling lumuha.Balik muna tayo sa tunay.
Iiyak ako hindi para sa kanila. Kundi para sa'yo, sayo lang, ikaw na dahilan ng totoong pagluha.
Babalikan ko muna saglit yung sulok na eksaktong lugar kung sa'n mo 'ko dinala.
Tapos iniwan. Hinayaan. Pinayagang saluhin ang tipak-tipak na luha ng langit na dapat sana para sa'ting dalawa.Hayaan mo muna 'kong umiyak
'Yung iyak na 'di natatakot laitin ng mundo.
'Yung totoo lang talaga.
'Yung iyak na para sa'yo.Hayaan mo muna 'ko.
BINABASA MO ANG
Mga Tula ni Clyde Alcaraz
PoesíaMga tula at akda na likha ng mapagpunyaging puso. Enjoy reading!