Ilang oras nalang. Magpapalit na ulit ako ng kalendaryo. Babaguhin ko na naman ang ayos ng mga gamit ko sa kwarto, ng mga furniture sa sala. Ang pwesto ng sofa, ang anggulo ng salamin, ang disensyo ng kama. Lahat. Kahit ayos naman. Kailangan parin baguhin depende sa swerteng itinakda ng hinayupak na feng-shui.
Depende sa kung anong taon ng hayop akma. Kung tigre, dragon, rabbit, o daga. O baka taon mo - hayop ka.
Hindi ko alam kung bakit sa pagpasok ng panibagong taon. Kailangan ko pang baguhin ang mga bagay na nakasanayan ko na.Hindi ko alam kung bakit kailangan ng pagbabagong bihis, ng bagong simula.
Hindi ba pwedeng manatili tayo sa kung anong totoo? Sa kung ano tayo, kung anong meron noon. Bakit kailangan pang baguhin? Bakit kailangan ulitin? Kasi swerte daw. Kaya pala.Kaya pala hindi pa sumasabog sa kalangitan ang iba't ibang kulay ng pulbura, wala pa kong natitisod na putol na daliri at paa sa kalsada, hindi pa rin bago ang taon. Pero ikaw - may bago ka na.
Tama ako. Hayop ka nga.
Kaya pala isa ka sa mga sira ang tuktok na nagtutulak sakin na dapat kong matutunan baguhin ang ano mang nakasanayan ko na.
Napaniwala mo 'kong masakit para sayo na magtapos ang araw na hindi ako kasama. Naniwala ako sa mga pekeng luha, sa ngiti, kiliti, kunwaring hapdi. Naniwala akong totoo lahat kasi ang arte mo tang-ina.Ito pala yung swerteng sinasabi mo. Ginawa mo pa 'kong tanga. Sana kasi dinerekta mo nalang ako. Na sa pagsapit ng bagong taon, bagong tao ka na rin. At ang kailangan mo panibagong tao na maniniwalang may swerte sa panggagago.
Maputukan ka sana.
BINABASA MO ANG
Mga Tula ni Clyde Alcaraz
PoetryMga tula at akda na likha ng mapagpunyaging puso. Enjoy reading!