ISKRIP

31 1 0
                                    


Walang iskrip ang buhay. Ang paghinga, pagtulog pag ligo at paggising na hindi nakasaad sa kahit anong libro. Nagmumura't sumisigaw na hindi nakabase sa itinakdang dayalogo. Sinasalita ang mga kataga depende sa pakiramdam. On the spot. Walang listahan ng bokabularyo. Isang kwento ang buhay, pero hindi iskripted. Gagalaw ka't mabubuhay bitbit ang sariling estilong pangkasalukuyan. Ikaw ang direktor, ikaw din ang aktor. Bubuo ng kwento pero walang iskrip ng panghahawakan. Aakto ayon sa gusto, sa nais maganap, sa pinangarap marating. Hindi dahil sa panuto.

Mga Tula ni Clyde AlcarazTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon