{~RING~}
Steffy's POV
"Bilisan mo naman dyan bestie" lumabas na ako ng kwarto ko dahil nagmamadali na yung buntis sa labas.
"Eto na excited oh! Tara na" sumakay na kami sa kotse ko at nagdrive na papunta sa mall.
Sasamahan ko kasi si Ayesha na mamili ng gamit ng baby dahil kabuwanan na niya ngayon.Dahil mabait akong bestfriend sinamahan ko na dahil yung matino niyang asawa ay nasa trabaho pa.
"Maggala muna tayo" sabi niya pagpasok namin ng mall.
"Hah? Sure ka? Kaya mo ba?"
"Gaga malamang oo wag kang praning di ako manganganak dito hahaha" inirapan ko na lang siya at sumunod kung saan siya magpunta.
Dinala niya ako sa tapat ng sinehan.Nag cross arms ako habang tumitingin siya ng mga palabas.Bumalik naman siya sa pwesto ko at nagulat ako ng bigla kaming pumila.
"Hey manunuod tayo??" Tinignan niya lang ako ng bored look.
"Diba halata bestie? Use commonsense hah! Kaloka ka alangan naman bibili tayo ng pagkain kaya tayo pumila sa bilihan ng TICKET!"
"Woah chill pumangit pa yung baby tss hindi kasi ako nainformed.Bigla bigla ka kasing nanghihila"
Pagkatapos naming bumili ng ticket ay bumili naman kami ng mga pagkain.Take note 'MGA' nagutom kasi yung buntis.Popcorn lang sakin pero sa kanya sangkatutak kaya tinulungan kong magbitbit.Taiwanese love story yung papanoorin namin.Nakakaboring nga eh parang hindi naman maganda yung movie.Sinaggest ko nga na horror na lang kaso ito sagot niya
"Tapatin mo nga ako Steffy.Excited ka na bang makita yung baby? BWISET KA HORROR PA GUSTO MO? BAKA MANGANAK AKO NG DI ORAS JUSME!" see? High blood.
Pumuwesto kami sa taas at kami lang yung tao doon.Mga lima nga lang ata kami sa sinehan.Naguumpisa na yung palabas at kain na ng kain yung isa dito at tingin ng tingin sa phone niya.Tama ang hula ko, ang BORING ng palabas isama mo na yung nakakairitang boses ipis nung mga bida.Di ko pa mabasa yung sub ng maayos dahil ang bilis mawala eh! Gaguhan ata.
Nakakailang oras na rin yung movie, pinagtyagaan ko na lang kasi sayang yung bayad.Nilingon ko yung katabi ko na naghihilik na.Siya nagyaya tapos matutulog lang pala? Or dulot lang ng pagbubuntis niya.Kasi antukin talaga mga buntis.Sa wakas natapos na yung movie at ginising ko na si Ayesha.
"Maganda yung movie?" Tanong niya habang palabas kami ng sinehan.
"Tulog kasi ng tulog tss hindi boses ipis yung mga bida" inunahan ko siyang maglakad dahil nabubuwiset ako.Hindi sa kaniya at hindi rin sa palabas kundi sa paa ko.Hindi pa nga kami naggagala sumasakit na letse talaga.
"Saan na tayo?" Tinanggal ko yung shoes ko at inestretch ng konti yung mga paa ko.Napakamot pa siya sa baba niya bago sumagot.
"Kumain muna tayo" kahit busog pa ako ay sinundan ko na lang siya.
Kanina pa kami paikot ikot dito sa mall pagkatapos naming kumain.Hanggang ngayon ay hindi pa kami bumibili ng gamit ng baby niya.
"Di ka pa ba pagod ha? Kasi ako kanina pa"
"Ahh ganun ba? Edi kumain muna tayo--"
"Ayesha!" Sinigawan ko siya dahil sa kulit nito.
Kain na naman?? Bundat na bundat na ako tapos kain ulit? Inirapan niya lang ako sa pagsigaw ko sa kanya at hinila ako kung saan.Sa wakas ay pumunta na kami ng shop ng pang baby.Ako ang nagtutulak ng cart habang siya naman yung namimili.
BINABASA MO ANG
Bitch Girl
TeenfikceThe most bithches in your campus stole your boyfriend.... What will you do?? But what if one guy will change her suddenly..... Would she change or still call herself "BITCH Girl"