50:Fries

155 8 0
                                    

{~FRIES~}

"Drake.... psst..... babe..... hubbbbbyyy....huy.....drakey babyyyyyy..." sinundot sundot ko yung pisngi niya hanggang sa magising siya.Kinukusot kusot pa niya yung mata niya at humarap sakin.

"What?" Nag unat pa siya at pumikit ulit.

"Ahmmmm may bukas pa ba ngayong fastfood??" Tumango siya pero nakapikit pa rin.

Naalimpungatan ako dahil sa kumukulong tiyan ko tapos nagcrave ako bigla sa fries.Kaya eto ginigising ko si Drake para kumain kami nun.

"Kain tayo sa McDo pleasee..." nagpuppy eyes pa ako para pumayag siya.Tumingin siya sa gilid ng kama at binalik din agad yung tingin sakin.

"Its 2:23 am Steffy at gusto mong kumain tayo sa McDo??" Tumango ako at umupo naman siya.

"Pwede bukas na lang?" Kumunot yung noo ko sa sinabi niya.Biglang naginit yung ulo ko.

"24 hours namang bukas yun ahh... gusto ko ngayon!"

"Steffy naman--"

"Bahala ka sa buhay mo!" Bumalik ako sa pagkakahiga at nagtalukbong ng kumot.

"Steffy..."

"I hate you!" Naramdaman kong wala na siya sa tabi ko kaya sinilip ko siya.Nakita kong nagbibihis siya ng pambaba niya.

"Lets go wag ka ng magtampo diyan" napangiti ako at nagmadaling magbihis at bumaba na din kami.

Nagdrive thru nalang kami.Burger at fries yung binili namin.Paguwi ay kinain ko agad lahat yun habang siya nakatingin lang sakin.Inabutan ko siya ng fries pero ayaw niya.

"Makita lang kitang busog, ok na ako"

"Corny mo noh!" Inubos ko na lahat yung pagkain at bumalik na kami sa pagtulog.

-----

Naalimpungatan ako ng may humalik mga humalik sa pisngi ko.Take note 'mga'.Dumilat ako at nakita ko yung kambal at si Drake sa harap ko.Napangiti ako, gusto kong bumangon pero ang bigat ng pakiramdam ko.

"Breakfast is ready mom, lets eat" hinila nila yung kamay ko at pinabangon.Bago pa ako tuluyang makatayo sa kama ay nakaramdam ako ng pagkahilo at parang may gustong lumabas sa lalamunan ko.Napatakbo agad ako sa banyo at lumuhod sa harap ng toilet bowl.

Sinundan naman ako ni Drake na nakatayo lang sa pinto.Gulat yung muka niya ng tignan ko siya.Tumayo na ako at nagmumog.

"Kailan ka pa ganiyan?" Umiling ako.Ngayon ko lang to naramdaman.

Niyakap niya ako mula sa likod ko.
"Try mo baka..." hindi na niya tinuloy yung sinabi niya.Hinawakan ko yung kamay niya at tumango.Lumabas na siya ng cr at nilock ko na iyon.

Kinuha ko yung pregnancy test sa cabinet at ginamit na ito.

----

Im still sitting here in the bowl at malapad yung ngiti habang nakatingin sa PT na hawak ko.Its positive.Kalmado akong lumabas ng CR at bumaba para kumain.

"Whats the result?" Tanong niya pagkaupo ko sa tabi niya.Hindi ko siya inimik at hindi na rin naman niya ako kinulit.

Nanuod lang ako ng movie sa baba kasama yung kambal.Si Drake naman ay pumasok sa office niya.Balak kong mamayang gabi ko sasabihin sa kanilang tatlo.

-----

"Mom ano bang sasabihin mo?" Naiinip na tanong ni Chelsea habang kinakalikot yung phone niya.

Bitch GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon