54:Final Chapter

236 7 0
                                    

{~FINAL CHAPTER~}

"Meeting again in fifteen minutes maam"

"Thankyou for the information" umalis na sa harap ko yung secretary ko.Umupo ako sa swivel chair ko at hinintay na lang na dumating yung mga bagong taong imemeeting ko.Natambakan na ako ng trabaho dahil nagbakasyon ako ng isang linggo sa Cebu kasama yung kambal at kahapon lang nakauwi.

Napaayos ako ng upo ng makita kong ilang oras na lang at maguumpisa na ulit akong dumakdak sa harap ng mga business partners.Nagretouch ako, ginawa ko yung lagi kong ginagawa tuwing naiinip ako.Tumingin ako sa orasan at....

"3.....2.....1"

-------

Its been a half year nung mamatay si baby Gabriel.Nandito ako ngayon sa tabi niya at nililinis yung puntod niya kakatapos ng meeting ko kanina at dumiretso agad ako dito.Tinabi ko yung bulaklak na halatang kalalagay  lang dahil medyo sariwa pa ito.Kilala ko naman kung sino ang naglagay nun dito.Pagkatapos kong magsindi ng kandila at nagdasal ay kinausap ko siya.

"Ang tagal na pala baby, alam mo ok na completely si mommy.Tanggap ko na lahat ng mga nangyari and past is past.Nakamove on na ko sa aksidenteng nangyari para mawala ka samin" napabuga ako ng hangin at sinilip yung oras sa wristwatch ko.

"Madaya yang daddy mo dahil hanggang ngayon maski anino niya ay hindi ko nakikita.Ayaw na ata sakin ng daddy mo eh!" Iniangat ko yung kaliwa kong kanay at tinitigan yung palasingsingan ko.

"Nakakamiss yung wedding ring ko" sabi ko at napabuntong hininga na lang.Nagtagal pa ako ng ilang minuto bago ako nagpaalam kay baby Gabriel.

------

"Bakit ka aalis mommy? Sasama ako please"

"Ako din, ayokong maiwan dito sa bahay dahil ang boring" nagpout pa ng sabay sa harap ko yung kambal.Natawa naman ako at lumuhod para makapantay ko sila.

"Three days lang naman ako sa Canada for my business trip pero babalik agad ako dito.I will buy you a toys na lang" kinurot ko yung pisngi nila at pinilit silang ngumiti.

Next week na ang flight ko papuntang Canada.Mabilis lang akk dun at makakabalik din agad ako dito kaya kay ate Shin ulit maiiwan yung kambal.Tinawagan ko naman si Ayesha para pumunta sa bar dahil naboboring ako at gusto ko lang uminom.

Pagdating ko sa bar ay natanaw ko kaagad si Ayesha at nakaakbay sa kaniya si Klyppton.Napailing na lang ako dahil mukang ma oOP ako ngayong araw.Bineso ko si Ayesha at uupo na sana ng mapatalon ako sa gulat ng makita ko sa harap ang mga lovebirds.
Si Alex with Claire at Kenneth with his future wife, Mikey.I gave my famous super duper death glare to Ayesha at nagpeace sign lang siya.

"So ako lang walang partner ganon??" Inirapan ko silang lahat pero in response ay tumawa lang sila.

"PWEDE BA FOR JUST ONE HOUR MAGHIWA HIWALAY LANG MUNA KAYO AT BAKA LUMAYAS AKO DITO NGAYON KUNG HINDI NIYO GAGAWIN YON!" mabilis pa sa alaskwatro ay naghiwa hiwakay sila na ikinangiti ko.Mahal talaga nila ako dahil ayaw nilang mabitter ako.

"Ampalaya" narinig kong sabi ni Ayesha.

"Ehem! Bestie kung bubulong ka siguraduhin mong di ko mariring ha! Kasi sa susunod, lalagyan ko na ng granada yang bunganga mo!" Nag order na kami ng mga maiinom.

Buti na lang at sinusunod nila ako dahil hindi sila naghaharutan sa harap ko pero wag ka! Tuwing lilingon lang ako sa likod ay mga naghaharutan na yan.Mga malalandi talaga.

"May balita ka na kay Drake?" Tanong ni Kenneth sakin.Lahat sila ay nakatingin sakin at hinihintay yung sagot ko.

"Wala pa, kaya wag niyo kong tignan na parang may nagawa akong kasalanan! Tangina niyo guys!" Nagsilayuan naman agad sila at uminom na lang ng uminom.

"Wala din akong balita kahit sa hibla ng buhok niya wala kong knows" sabi ni Claire.Inirapan ko lang siya at pinandilatan naman ako ng mata ni Alex.

"Lahat naman tayo eh.Saan kaya nagsuot yung pinsan kong yun?" Sabi ni Klyppton sabay inom ng alak sa harap niya.

Mabuti na lang at iniba na ni Alex yung usapan.Halos kami na lang ang nasa bar na pagmamay ari ni Mikey.Madaling araw na kasi at mamaya lang ay may araw na.Nakahiga na lang ako dito sa couch at pinapanuod silang magkwentuhan ng walang kwenta.Usapang lasing na nga eh.

"Una na ko guys" bumangon na ako at kinuha yung bag ko.Di na naman nila ako pinigilan, hindi na naman ako masyadong lasing kaya nagmaneho na ako pauwi.


"Mabilis lang si mommy dun, three days lang naman" hinalikan ko na sa noo yung kambal.ILang oras na lang ay magboboard na yung aiplane papuntang Canada.

"Bye mom" sabay na sabi nung kambal.Nagwave na ko sa kanila hanggang sa di ko na sila makita.

-----

Mabilis na lumipas ang tatlong araw.Ngayon na ang balik ko at ang una kong pupuntahan ay si Gabriel, pagkatapos ay susunduin ko yung kambal sa school nila at magbobonding kami.

Sumakay na ako sa kotse ko at nagdrive papunta sa sementeryo kung nasaan si Gab.Nanibago ako dahil sa Canada ay walang traffic, nastuck kasi ako ngayon sa mabigat na problema ng bansa ko.Napabuga na lang ako ng hangin.Nakakainip maghintay, kanina pa ako dito pero wala atang improvement sa pwesto ko.Busina na din ako ng busina katulad ng mga ginagawa ng mga driver na naistuck din.

Nilibot ko yung mata ko sa paligid.Nakita kong bumaba yung bintana ng kotse sa kanan ko.Naka shades siya at halatang naiinis na din dahil sa traffic.Pero parang kilala ko ito, kilala ko yung may ari ng kotse? Pinipilit kong tandaan yung muka niya.

"D-drake?" Hindi ko sure kung siya talaga yun dahil black hair yung lalaki.Huling kita namin ni Drake ay blonde siya.Medyo mapayat din yung muka ng lalaki.

Natigilan lang ako sa pagtitig sa kaniya ng umandar yung kotse niya at nakarinig ng mga busina sa likod ko.Nakaandar na pala yung sasakyan sa harap ko at ako still tulala sa nakita ko.

Nagmadali na akong magdrive dahil malapit na din ang uwian ng kambal.Nakarating na agad ako and as usual, may nakita na naman akong sariwang bulaklak sa puntod niya.Halatang kakalagay lang nito at kakatirik pa lang ng kandila dahil hindi pa ito nangangalahati, buo pa yung kandila.Ninlibot ko yung paningin ko sa buong sementeryo pero walang tao kundi ako lang.Umupo na ako sa damuhan at tinabi yung flowers na dala ko.Nagtirik na din ako ng kandila at nilapag yung toy car na binili ko galing pang Canada.

"Hi baby..... namiss mo si mommy? Kasi ikaw namiss kita ng sobra" hinaplos ko yung lapida niya at biglang tumulo yung luha ko.


"Sinong bumisita sayo kani kanina lang? Daddy mo ba?" Natawa ako dahil kinakausap ko lang namqn yung litrato sa puntod niya.Hindi nga pala sasagot yung baby ko, sa thought na patay na siya, ay baby pa lang yan di pa nagsasalita.

Tinaas ko yung kaliwa kong braso at tumingin sa wrist watch ko.Its already 4pm, inayos ko na yung sarili ko, nagpaalam na ako sa anak ko.Tumayo na ako at tumalikod na sa puntod niya.Napatigil ako sa paglalakad ng makita ko kung sino yung papalapit sakin.Black hair man with shades, nakapolo siyang puti at nakaripped jeans.Exactly the man i saw a while ago in the car.

May hawak siyang isang pirasong bulaklak at kumakamot pa sa batok niya bago siya tuluyang nakapunta sa harap ko.Ngumiti siya sakin, hindi ko alam ang gagawin ko at magiging response ko.


"Why did you cut your hair that short?? Anyways i still love you even when your bald" tumawa siya sa sinabi niya.Tinitigan ko lang siya.

Magsasalita ba ako? Gusto ko pero walang lumalabas sa bunganga ko.Hinawakan niya yung muka ko at pinagdikit yung noo namin.



"I love you my bitch girl"

------

Bitin?? Chill guys may Epilogue pa...... haha!

Thankyou for supporting my story till the end lovelots~ muah~

Bitch GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon