Soul 2: Training Ground

61.1K 2.3K 184
                                    

"Will you run away from me?"



AVERY



Nanahimik na muna ako habang naglalakad siya. Pinag-aaralan ko ang buong paligid. Sinasaulo ko ang mga daan. Maraming babae at guwardiya ang bumabati kay Zirrius. Seryosong tumatango lamang siya sa mga ito. Bagay talaga sa kanya ang pangalan niya. May ilang kababaihan din na anak ng matataas na pinuno sa kaharian ang pilit nagpapansin sa kanya pero pasimple nga lang. Hindi ko naman sila masisisi dahil sobrang gwapo nga namang nilalang ni Zirrius.




"Are you still there?" he asked through his mind. I smiled because he noticed my silence. Hindi pa rin ako nagsalita. I want to give him a break. Mamaya ko na siya guguluhin kapag nalaman ko na ang mga dapat kong malaman. Muli niyang inulit ang tanong niya at pinakiramdaman ang sarili kasabay ng pagkunot ng noo. Naghintay siya ng ilang minuto pero wala siyang nakuhang sagot. He bit his lower lip asking himself if he was just hallucinating. He sighed heavily and shrugged his shoulder as he convinced himself that he was just imagining things. I smiled again. He was adorable.



May lumapit na guwardiya kay Zirrius. May sinasabi ito tungkol sa pag-atake ng ibang kaharian sa Alveria. Isang malawak na lupain ang Alveria kung saan binubuo ito ng maraming bayan. May mga pilit na sumasakop sa Alveria katulad ng ginagawa ng Asteria sa Elfania. Sa panahon namin, uso ang digmaan. Uso ang palawakan ng teritoryo. Uso ang mga hidwaan at hindi pagkakaintindihan.




"Mahal na prinsipe, magandang araw! Ipagpaumanhin kung nagambala kita pero kailangan mong malaman ang balita. May mga nawawalang guwardiya na nagmamanman sa pader, sa timog. Nang hanapin sila, nakita ang katawan nila sa kagubatan. Duguan at patay na. Hindi pa matukoy kung sino ang may kagagawan nito," nag-aalalang saad ng guwardiya. Sumeryoso si Zirrius. Kinabahan siya dahil iniisip niya na baka may nakapasok na kalaban sa kaharian niya. He was worried for his people. I frowned because the King assigned Zirrius to be the captain of the guards or the army. Halatang-halata na gusto niyang mamatay si Zirrius upang maging legal na ang pag-upo niya sa trono. Hindi ko pwedeng dalhin si Zirrius sa Elfania hangga't hindi nareresolba ang problema niya rito.




Zirrius kept his cool. Pero alam kong nasaktan siya dahil sa pagkamatay ng ilang tauhan niya. Kung ako ang nasa posisyon niya, tiyak na magpa-panic agad ako at hindi alam ang gagawin. Mukhang marami akong matututunan mula sa kanya tungkol sa pamamahala sa isang kaharian. I'm glad the gods see through this. "Magpadala ka ng guwardiya sa timog na papalit sa kanila. Create a checkpoint for all the residents secretly. Huwag ninyo ipapahalata na sinisiyasat ninyo sila. Kapag may kahina-hinalang tao na hindi taga-Alveria ay manmanan ninyo. Just don't alarm the residents for the possible threat. I don't want them to panic," he said. "Send me reports before the day ends. I'll discuss this with the King."




Tumango naman ang guwardiya at agad na umalis upang sundin ang inutos ni Zirrius. I was just eighteen and I don't have any experience to manage Elfania. My parents unexpectedly died on their journey to Veldania Kingdom to seal an agreement. I never got the chance to know who ambushed them. Basta nang namatay sila, agad-agad na inilipat sa 'kin ang kapangyarihan upang pamahalaan ang Elfania. I instantly became the Empress. Kasabay ng pagiging Empress ko, bigla namang sumugod ang Asteria at doon na ako nagpasyang umalis. Wala akong alam sa pamamahala. I thought my parents will still live for centuries that's why becoming an Empress never crossed my mind yet. Kaunti lang ang naituro ng ama ko sa 'kin. I mastered almost all the spells at a young age. I even learned the forbidden spells secretly because I was too curious and my parents won't let me practice it. One of the forbidden spells was to transfer my soul to another body. Hindi ko rin akalain na magagamit ko talaga ito. Maybe I'm just lucky that nothing bad happened to me in the process.

SoulboundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon