Soul 39: Distraction

31.1K 1.6K 399
                                    

"Or worst, maybe, we are directly walking towards death..."


AVERY


The whole night was a blur. Hindi ko rin maintindihan kung ano ang nangyari matapos halikan ni Verone si Zirrius. Napangiwi si Zirrius nang magising siya pero nanatiling nakapikit ang mga mata niya. Mainit na ang sinag ng araw na tumatama sa mukha niya. Marahan niyang hinilot ang sentido upang maibsan ang sakit ng ulo niya.


Nang marahan na niyang buksan ang mga mata, nakita niya si Verone na inaayos ang konting gusot sa pulang bestida na suot niya. She smiled brightly at Zirrius when she caught his eyes.


"You're already awake," she commented. "You should hurry up so you can train with Asher later. Pero huwag kang masyadong magpagod. You still have works to do with me tonight."


Bahagyang kumunot ang noo ni Zirrius kay Verone. His mind was still unorganized. He was still in frenzy. Natigilan na lang siya nang mapagtanto na hubo't hubad siya sa ilalim ng kumot. Saka lang bumalik sa alaala niya ang mga nangyari kagabi. Verone kissed her and after that, he couldn't remember what had taken place. He was now wondering if he really made love with her last night. Hindi talaga niya maalala at sumasakit lalo ang isip niya kapag inaalala niya. May mga malalabong pangyayari na sumasagi sa isip niya pero hindi siya sigurado kung talagang ginawa niya 'yon.


Bahagya siyang namula nang maisip 'yon. Wala na ang barrier sa utak niya. Gusto kong mainis dahil wala man lamang akong nagawa kagabi. Hindi ko man lang napigilan ang lahat. At kahit ako, hindi ko rin maalala ang buong pangyayari. His mind was completely clouded last night. "What happened last night?" maingat at nag-aalangang tanong ni Zirrius kay Verone.


A knowing smile curved into her seductive lips. "You were great last night," she started. "You were thick, rough and really wild," she added. Hindi mawala-wala ang mapaglarong ngiti sa labi niya. Gusto ko na talagang sumanib kay Zirrius para makita niya ang hinahanap niya. Gusto ko siyang turuan ng leksiyon. Frustration was eating me whole now! And it really sucks when I can't even do anything about it!


Napahilamos na lang sa mukha si Zirrius. Mahina niyang minura ang sarili niya dahil wala pa rin siyang maalala. He had no idea what Verone was talking about. At hindi niya nagugustuhan ang binubuong konklusyon ng utak niya.


"Bakit wala akong maalala?" nagngingitngit na tanong ni Zirrius kay Verone. "What did I do exactly? Fuck!" naiinis pa niyang tanong. Naalala niya ako bigla. He asked me too. "What did I do, Avery? What happened?"


Mahinang tumawa si Verone dahil sa naguguluhang ekspresiyon sa mukha ni Zirrius. "We did it. We fucked," mapang-asar na saad niya. "You even shouted at the Asterian guard to leave us alone for the whole night because you plan to make me scream in pleasure until morning comes," paos na saad ni Verone.


Muling tumawa si Verone at hindi makapaniwalang tumingin kay Zirrius. "Can you believe it? You just shout like a Mighty King at the pitiful Asterian guard? Damn! You're surely in trouble when you left this room," she said with a small laugh. Napailing pa siya at umupo sa gilid ng kama. "Huwag ka ng magtataka kung masama ang tingin na ibigay nila sa 'yo mamaya. Mag-ingat ka. Tiyak na gagawa sila ng paraan upang makaganti sa 'yo kapag nakakita sila ng pagkakataon."

SoulboundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon