"Can't you feel our deep connection?"
AVERY
Nang makarating si Zirrius sa gitna ng bayan, napansin ko ang mga guwardiyang nakahandusay sa lupa. Lahat sila ay duguan at sugatan. Sa pinakagitna ng malawak na lupain ay makikita ang isang malaking poste ng kahoy kung saan nakagapos ang isang lalaki.
Zirrius recognized the guy as Silf. May mga taong nakapalibot kay Silf. They were all wearing brown cloaks. Pinapahirapan nila si Silf gamit ang mga gumagalaw na halaman na may matutulis at matatalim na dulo na kasing talim ng itak. They were attacking Silf's body and they were showing no mercy. Hindi sila naaawa kay Silf. Ramdam na ramdam ko ang galit nila sa matataas na opisyal ng kaharian sa pamamagitan ng walang tigil nilang pagpapahirap kay Silf. Their minds and hearts were clouded with anger and revenge. The agony and pain was visible on Silf's face. Halata ang paghihirap sa bawat sigaw niya. Zirrius gritted his teeth. Maging siya ay nangilabot sa duguang katawan ni Silf. Halos manginig ang katawan niya sa mga sigaw ni Silf. Nanigas siya sa kinatatayuan at hindi maigalaw ang katawan. Hindi niya alam kung ano ang gagawin.
Those people were using earth magic by controlling plants and altering their forms. It was actually a high level form of magic. Hindi ko alam kung paano at saan nila natutunan ang mahikang 'yon gayong mga tao lamang sila. Unless they have a strong connection to magic by blood, by birth or by their trainings.
Kinabahan ako para kay Zirrius. Ako na ang nagsalita upang maibalik siya sa katinuan. Kapag napansin siya ng mga taong nagpapahirap kay Silf, tiyak na wala na siyang ligtas. Mas lalong matindi ang gagawin sa kanya ng mga taong ito dahil isa siyang prinsipe.
"Zirrius! Hide!" maagap na saad ko. I was too worried for him because he didn't listen. If only I have my own hands, I will drag him to hide somewhere. I suddenly felt the weight of desperation. Pakiramdam ko gusto kong bigla na lang kontrolin ang katawan ni Zirrius para mailayo siya sa mga walang awang tao na ito. Masyado silang nabulag ng galit at kahirapan.
"Zirrius!" I desperately called for his name. Halos hindi ko na rin makilala ang tinig ko dahil sa sobrang desperasyon na nararamdaman ko. Gusto ko siyang gisingin. His body was suddenly paralyzed. Hindi niya maigalaw ang mga binti niya. Halos mapatalon siya sa gulat. Kahit ako ay napamura. Naramdaman ni Zirrius ang mga malalaking ugat na pumulupot sa dalawang paa niya. Hindi siya makagalaw. Saka pa lang siya natauhan. Inilabas niya ang espada niya at pilit na tinagpas ang mga ugat na pumapalibot sa binti niya pataas sa katawan niya pero mas lalong lumalaki ang ugat. Hindi ko na talaga maitago ang takot na nararamdaman ko. Mas lalo akong lumapit sa kanya.
"Zirrius, I told you! Shit!" naiinis na saad ko dahil hindi ko alam kung paano siya tutulungan. Kung kokontrolin ko naman ang katawan niya, tiyak na kapag bumalik siya sa dati, magagalit siya.
"Fuck!" naiinis na saad ni Zirrius habang pilit na tinataga ang malalaking ugat. Hindi ko na alam ang gagawin ko nang pumulupot na ang ugat sa leeg niya. Hindi siya sinakal ng ugat pero kapag napagtripan ng mga kalaban niya ay isang iglap lang ay mababawian na siya ng buhay. Hindi na rin niya maigalaw ang mga kamay dahil sa malalaking ugat na pumipigil sa bisig niya.
BINABASA MO ANG
Soulbound
FantasyAvery Devon, an elf, is supposedly the Empress of Elfania but Severus Montfort managed to conquer her Empire and other Elven Kingdoms. Upang makatakas, isinailalim niya ang sarili sa isang mahika. Iniwan ng kaluluwa niya ang katawan niya at naglakba...