Soul 35: Verone Shams

35.8K 1.7K 242
                                    

"Maybe, some things are meant to happen..."


AVERY


Kagigising lang ni Zirrius at nakaupo na siya sa gilid ng kama. Wala siyang ideya sa ginawa ni Damon kagabi. Medyo magulo ang buhok niya pero walang kahirap-hirap na sinuklay 'yon ng mga daliri niya. He was half naked when he stood up and went straight to the bathroom. He was just wearing his shorts but swiftly removed all his remaining clothes and left nothing.


"Good morning," malambing na bati ko sa kanya. I don't know why, but I noticed his heart skipped a beat because of my sudden greeting. Parang gusto kong matawa dahil doon. Siguro nagulat ko lang siya at hindi inaasahan ang pagsasalita ko.


Ramdam ko ang namuong tensiyon sa mga panga niya. He took a deep breath to calm himself. "Morning," mahinang sagot niya habang pinipihit ang faucet ng shower. Ngayon, wala na talaga siyang pakialam kahit pinanonood ko pa siya. Mukhang nasanay na talaga siya.


"May kakaiba sa 'yo, Avery. Pakiramdam ko may kailangan ka sa 'kin," nagdududang saad ni Zirrius. Malakas akong tumawa dahil sa sinabi niya. "Hindi ka naman bumabati ng good morning noon, ah? Natatakot ako sa good morning mong 'yan," seryosong dagdag pa niya.


"Grabe ka! Minsan na nga lang ako babati, pinagdududahan mo pa," natatawang sabi ko. Pero hindi naman siya nagkakamali. May kailangan talaga ako sa kanya. I just watched him as he let the water touch his body. Medyo tumigas ang kalamnan niya dahil sa malamig na tubig na tumama sa katawan niya. He also got those firm six-packed abs. I guessed, it was hard as rock if ever I got the chance to touch it.


Napailing si Zirrius. Hindi siya naniniwala na wala akong kailangan. We've been together for months and he already knew me. "Sabihin mo na agad ang kailangan mo." He started to clean his whole body with soap. And actually, I don't want to see how he cleans every inch of his body right now. Oh! Pity for my sinful and shameless soul!


Tumikhim ako. Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa. "We need to go to Ynaris today," sambit ko. Kumunot lang ang noo niya dahil hindi siya pamilyar sa lugar na sinabi ko. Naghintay siya na ipagpatuloy ko ang pagpapaliwanag.


"Ynaris is another Elven Kingdom. Ito ang sunod na kaharian sa Exether pero nasakop na ito nang lubusan ng Asteria. Pupunta si Damon ngayon sa Ynaris kaya sasama tayo sa kanya," paliwanag ko.


Mas lalong kumunot ang noo niya nang marinig ang pangalan ni Damon. Tila hindi niya gustong marinig ang pangalan na 'yon. Hindi ko tuloy alam kung paano magkakasundo ang dalawa kung pareho silang naiinis sa isa't isa. "Paano mo nalaman? Huwag mong sabihin na nag-usap talaga kayo nang kayong dalawa lang?" inis na tanong niya sa 'kin. He didn't want the feeling of being left behind.


"Oo. Nag-usap kami," diretsong sagot ko sa kanya. Hindi ko na kailangang itago sa kanya ang totoo.


"Did you use my body without permission?" nagdududang tanong niya.


"No. Hindi ko ginamit ang katawan mo. But he have his ways. Makapangyarihan siya. Kung hindi ka matututong maglagay ng harang sa isip mo, malaya ka niyang makokontrol," paalala ko sa kanya. Itinuon niya ang dalawang kamay sa dingding habang hinahayaang dumaloy ang tubig sa katawan niya upang matanggal ang bula ng sabon.

SoulboundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon