"Rest assured for it takes more than chaos to break us apart..."
AVERY
Nanlalamig ang buong katawan ko. Pakiramdam ko may humihigop sa kaluluwa ko. Hindi ko maimulat ang mga mata ko dahil sa panghihina at sa pagod. Maraming nawalang dugo sa sistema ko at tiyak na namumutla na ako. Hindi ko man lang mapigilan ang kung ano man ang nangyayari sa 'kin.
Naninikip ang dibdib ko at tila nauubos ang natitirang lakas ko. Siguro nga naghahabol na talaga ako sa hininga. Masyadong masakit sa dibdib ang nangyayari sa 'kin. I was not even sure if I was screaming in pain. Pero pakiramdam ko, kahit sumisigaw man ako ngayon, wala ng tinig na lumalabas mula sa bibig ko. Namamaos na ang boses ko.
Natigilan na lang ako nang makita ang sarili ko na nasa loob ng isang magic circle. O mas tamang sabihin na nakakulong ang kaluluwa ko sa loob ng magic circle na ito. Napasinghap na lang ako nang magliwanag ang bawat linya sa magic circle. Hindi ako makagalaw. Hindi ako makatakbo. May hindi nakikitang puwersa ang pumipigil sa 'kin upang gumalaw.
Natigilan na lang ako nang may sumulpot na mga tanikala kung saan-saan. Mahina akong dumaing nang pumulupot ang mga tanikalang ito sa buong katawan ko. Napangiwi ako dahil naramdaman kong sakit nang umigting ang pagpulupot nito sa katawan ko. Unti-unti itong umigting na tila sisirain ang buong kaluluwa ko hanggang sa maglaho na lang akong parang bula.
Sobrang bumabaon sa kaluluwa ko ang mga tanikalang ito kaya hinihingal na napasigaw ako nang malakas. It was piercing through my soul as if it wanted to break me.
Natigilan na lang ako dahil sa saglit na liwanag na nakita ko at bumalot sa 'kin. Nawala ang mga tanikala at tila bumalik ang kaluluwa ko sa katawan ko.
Hindi ko alam kung ilang oras akong nawalan ng malay. Gising na ang diwa ko pero hindi ang katawan ko. Naramdaman ko lang na tila unti-unting bumalik ang lakas ng katawan ko pero hindi ko pa rin maigalaw ang mga daliri ko. Ang ilang mga sugat ko ay hindi na sumasakit at para bang gumaling na ito.
Kahit hindi na sumasakit ang mga sugat ko, hindi pa rin sapat ang lakas ko upang gumalaw. Gumaan lang ang paghinga ko at naging maayos na. Pakiramdam ko nabunutan ako ng tinik dahil hindi na ako napapalibutan ng magic circle. Hindi ko tuloy matukoy kung totoo ba 'yon o panaginip lang.
Sa palagay ko, may nagpapagaling sa 'kin. Nararamdaman ko ang kapangyarihan niya na dumaloy sa katawan ko. Pero natigilan ako nang makarinig ako nang malakas na sigaw at malutong na mura bago naglaho ang kapangyarihang nagpapagaling sa 'kin. Hindi ako maaaring magkamali. Kay Severus ang boses na 'yon.
Hindi ko lang alam kung bakit tila nahihirapan ang sigaw niya kanina. Tila lumalaban siya sa kung anumang nagpapahirap sa kanya.
Saka ko lang naalala ang mga nangyari. Natalo ako ni Severus at dinala niya ako sa templo. Naalala ko kung paano siya gumawa ng napakalaking magic circle na nagdudugtong sa iba't ibang kaharian. Gusto kong kagatin ang labi ko pero hindi ko magawa. Pinipilit ko'ng gumising para mapigilan siya pero masyado pa akong mahina.
Nanikip ang dibdib ko nang maalala ko ang mukha ni Zirrius nang saluhin niya ako mula sa pagbagsak. Sa halip na ako ang tumama sa mga puno, siya ang sumalo ng lahat ng 'yon. Sinuntok pa siya palayo ni Severus upang makuha ako. Gusto kong ikuyom ang mga kamao ko. Hindi maaaring matapos ang lahat sa ganito.
BINABASA MO ANG
Soulbound
FantasíaAvery Devon, an elf, is supposedly the Empress of Elfania but Severus Montfort managed to conquer her Empire and other Elven Kingdoms. Upang makatakas, isinailalim niya ang sarili sa isang mahika. Iniwan ng kaluluwa niya ang katawan niya at naglakba...