Soul 28: Aivee

33.3K 1.6K 54
                                    


"Set yourself free..."


AVERY


Zirrius frowned. "You really don't know?" nagdududang tanong niya. He sighed heavily. Pakiramdam niya kasi ay marami akong itinatago. Isa lang naman ang itinatago ko talaga sa kanya. His elf lineage. Wala na akong ibang sikreto na importante para sa kanya.


"I don't give answers for free," natatawang pang-aasar ko sa kanya. "Unless you have something useful to offer," dagdag ko pa. Napailing siya. Bigla niyang naalala ang sulat kaya kinuha niya iyon agad sa dalang bag. Ngayon lang niya naisip na gamitin iyon.


"I wonder how can you draw out magic when you are using my body while I can't," he quietly said.


"I don't know either. Maybe you are the only one who was sealed and the seal is not applicable on me. On my soul," sagot ko sa kanya. I couldn't think of any good reasons either. Wala naman akong ideya tungkol sa seal niya.


"Can you open this again? I'll talk to my mother," seryosong saad niya sa 'kin. I laughed. Kahit gusto kong buksan muli ang sulat, hindi na maaari. I didn't want to take risks.


"You must learn to open it yourself. Ang problema, walang kasiguraduhan kung makakausap mo nga ang ina mo o kung lalabas ba talaga siya," nag-aalangang sagot ko sa kanya. "And I can't recklessly open it again. Baka hindi na siya ang lumabas sa sulat na 'yan. She said that I may accidentally call monsters if I open up the portal of the deads again. Paano kung halimaw pala ang matawag ko? Baka hindi na tayo makatakas sa kamatayan kapag nagkataon," seryosong dagdag ko pa. He sighed heavily. Wala sa sariling hinilot niya ang kanyang sintido. Halatang naguguluhan na talaga siya sa mga nangyayari. He desperately wanted answers.


"You will not get answers even if you stress yourself. Ang mabuti pa, magpahinga ka muna. Mamayang gabi, pupunta tayo sa bar upang kumalap ng impormasyon," wika ko sa kanya. He silently closed his eyes in defeat. He couldn't argue any longer. He was too tired to argue with me. He was too tired to argue with himself. I just waited as he drifted to sleep.


~~~


Alas-dose na ng gabi nang magising si Zirrius. His stomach growled. I laughed. Halatang gutom na gutom na siya. He just frowned and didn't mind me. Napansin niya na wala sa silid si Kendrick kaya kumunot ang noo niya. He got his clothes and headed towards the bathroom. Ngayon lang siya magkakaroon ng matinong pagligo. Oh how I missed this kind of show! I smiled to myself. Kahit ayaw ni Zirrius na ibalandra ang katawan niya sa 'kin ay wala siyang magagawa. Mukhang nasanay na rin siya kaya parang wala na sa kanya ang lahat. Sa totoo lang, sanay na rin ako kaya hindi ko na siya masyadong pinagtitripan unless, gusto ko talaga siyang inisin.


Hindi niya alintana ang malamig na tubig na dumampi sa kanyang balat nang tumapat siya sa shower. If I were him, I would surely shiver on the cold. Bahagya siyang nahimasmasan dahil sa pagkabasa ng katawan. I guessed, he's rather sexier now than before. He shaved the small hair growing on on his face. Well, I actually found those cute. He looked manly and hot. He took his time to fully clean himself. When he went out of the bathroom, he really freshened up. Finally!


Ibinalik ni Zirrius ang sulat sa bag niya. He wore white cotton shirts and brown trousers. Lumabas siya sa silid upang hanapin si Kendrick ang problema, hindi niya alam kung saan maghahanap. The inn was made with thick red woods. Makintab ang sahig at halatang matibay kahit gawa lang sa kahoy. May ilang kababaihan na napapalingon kay Zirrius at ngumingiti sa kanya.

SoulboundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon