Soul meets soul when eyes meet eyes...
AVERY
The gusts of air inside the huge hurricane was circulating wildly around us. Marahas na nililipad ng hangin ang mahabang buhok ko. Tumatambol sa kaba ang dibdib ko. Deep inside me, I knew that I had little chance of winning. Hindi ko rin alam kung ano ang pumasok sa isip ko at ginawa ito ko. Gusto ko na lang talagang matapos ang lahat ng kaguluhang ito. Siguro nga, mas malaki ang tsansa naming manalo kung lahat kami ay lalaban kay Severus pero huli na ang lahat upang magsisi.
But I hoped that they would all come. Maybe, I only need to buy them some time.
Masyadong mapanganib ang hanging pumapalibot sa 'min. Dahil sa mabilis na pag-ikot nito sa loob ng buhawi, mas nahihirapan kaming huminga. Soon, even breathing will be a pain. Hindi na nagiging normal ang pagbaba at pagtaas ng dibdib namin pero hindi namin ipinahalata sa isa't isa na nahihirapan kami. We wanted to look strong in our own ways. No one wanted to surrender and show weakness.
Napansin ko ang pagiging blanko ng mga abong mata ni Severus. Ramdam ko ang pagiging kalmado niya sa labang ito. Tila alam na niya na siya ang mananalo. Mas malaki ang tsansa niyang manalo. Mariin kong kinagat ang labi ko. Pinahaba ko ang maliit na espadang hawak ko upang tapatan ang espadang hawak niya. Hinayaan ko lang sa likod ang pana at palaso ko.
"Tapusin na natin ang lahat ng ito," matapang na saad ko kahit alam kong niloloko ko lang ang sarili ko. "Tama na. Huwag na nating dagdagan pa ang mga bilang ng magbubuwis ng kanilang buhay para lang sa digmaang ito. Para lang sa ambisyon mo."
He smirked. "Mas madali sana kung sinunod mo na lang ang gusto ko. Hindi ka na sana masasaktan pa," makahulugang saad niya sa 'kin. "But I bet, teaching you a lesson won't hurt. Ibibigay ko sa 'yo kung ano ang hinahanap mo. Still, I won't let you die but I will break your soul until you crumble. Until you gave it up. Until you lose yourself." I could sense the cruelty on his voice. Hindi siya nagbibiro. Diretso lang ang tingin niya sa mga mata ko at hindi natitinag.
Mas lalong dumiin ang pagkagat ko sa labi ko. Mariing ikinuyom ko ang isang kamao. Inikot ko sa isang kamay ko ang aking espada at ihinanda ang sarili ko. Dahan-dahang naglakad ako upang ikutan siya. Kung wala akong gagawin ngayon, tiyak na ang buhawi ang siyang papatay sa 'ming dalawa. Hindi dapat ako mag-aksaya ng oras.
Naramdaman ko ang pamumuo ng butil ng pawis sa noo ko. "If you're controlled, I'll help you. I'll find a way to free you. Kung hahayaan mo lang ako'ng tulungan ka." Puno ng pag-asa ang boses ko. Umaasa ako na maaari pa siyang magbago, na maaari pa siyang iligtas.
Pakiramdam ko, bahagyang lumambot ang ekspresiyon ng mga mata niya. "You can't help me," mahinang saad niya. "Not on this condition. Not when I need power," seryosong saad pa niya. Halos magsalubong ang mga kilay ko dahil sa pagkalito.
"Hindi ka ba naaawa sa mga Asterian? Pati sila nahihirapan dahil sa mga nangyayari! Pati sila gumagawa ng masama kahit hindi naman nila gusto! Kahit napipilitan lamang sila! Kahit kinokontrol lamang sila!" galit na sumbat ko sa kanya. "Hindi ka ba naaawa sa nangyayari sa Asteria? If you're really a King, your people matter. Hindi mo sila pahihirapan nang ganito!"
BINABASA MO ANG
Soulbound
FantasyAvery Devon, an elf, is supposedly the Empress of Elfania but Severus Montfort managed to conquer her Empire and other Elven Kingdoms. Upang makatakas, isinailalim niya ang sarili sa isang mahika. Iniwan ng kaluluwa niya ang katawan niya at naglakba...