Soul 18: Secret Room

31.8K 1.5K 76
                                    

"Don't you want to end your sufferings?"



AVERY



I hate this body. I felt like I will be having a heart attack soon. I was too curious and afraid at the same time. Sino kaya ang pumasok sa silid ng dating hari? Ano kaya ang kailangan niya. Pakiramdam ko, malalaman ko na ang gusto kong malaman at makikita ko na ang hinahanap ko. Nakalapit na siya sa mesa kaya napasinghap ako kahit natatakpan ng mga kamay ang bibig ko. Pigil ang hininga ko upang hindi makagawa ng ingay. Ayokong maagaw ang atensiyon niya at mahuli ako. Nagtagal pa siya sa gilid ng mesa na tila pinag-aaralan ang ayos ng mga bagay-bagay sa loob ng silid.



Ilang minuto pa ay naglakad na siya palayo at lumapit sa painting ng hari at reyna. Pilit kong inaaninag ang ginagawa niya. Inalis niya ang painting at may isang bato na itinulak. It was a hidden switch then. Narinig at naramdaman ko ang paggalaw ng dingding at panginginig ng sahig. Ibinalik niya ang painting sa dating lalagyan at dumiretso sa kabilang parte ng silid kung saan may bumukas na lagusan. Nakahinga ako nang maluwag nang unti-unting nawala ang liwanag sa loob ng silid dahil nakalayo na siya. I checked the wall clock. It was already three in the morning. Mukhang tuwing alas tres siya pumupunta rito.



Maingat na lumabas na ako sa ilalim ng mesa. May isang lagusan malapit sa kama. Hindi kapansin-pansin na isa pala itong lagusan dahil sa dingding nito na gawa sa bato. Agad akong naglakad patungo sa pinto upang lumabas ng silid. I'll visit the place behind that secret door next time. Nang maingat na isasara ko na ang pinto ay biglang may puwersang pumigil sa 'kin. Someone held the doorknob from the inside. Mukhang naramdaman niya ako kaya lumabas din siya sa lagusan. Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Napansin ko sa kaliwa ang malapit na kanto na pwede kong takbuhan. Huminga ako nang malalim. Binitawan ko na ang seradura at mabilis na tumakbo patungo sa pasilyong iyon.



I covered Zirrius' face. Siniguro ko na tanging mata ko lang ang maaaninag ng makakakita sa 'kin. I gasped when I looked back. Hindi ako hinabol ng lalaki na nasa loob ng silid pero iba naman ang humahabol sa 'kin. Two monsters with red eyes. Kamukha lang sila ng mga ginawa kong halimaw noon pero mas mabangis ang mga ito at handang pumatay ng tao.



I will not risk Zirrius' body. Mabilis na tumakbo ako at bumaba sa hagdan, palabas sa palasyo. Dinamba ako ng isa sa mga ito kaya wala akong nagawa kundi ang gumulong sa sahig at umiwas. I chanted a spell to slow them down. "Floor of stones as still as you can be, stop their tracks as you please may be." The formation of the floor became large spikes. Nadaplisan ang dalawang halimaw at natigilan sa pagtakbo. They growled with anger. Dumaloy ang asul na dugo sa kanilang sugat. Mabilis na tumakbo ako patungo sa hardin. Tiyak na magugulat ang mga tao sa palasyo kapag nakita ang ginawa ko. Mamaya ko na lang aayusin kapag napatumba ko na ang dalawang halimaw na ito.



Pumunta ako sa malawak na bahagi ng hardin kung saan mas malaya akong makagagalaw. Galit na tumatakbo patungo sa 'kin ang dalawang halimaw. Their fangs was too exposed as if they were craving to eat my body. I mean Zirrius' body. Pero kahit hindi ko ito katawan, hindi ko pa rin ipapakain ang katawan ni Zirrius sa mga halimaw na ito. Ang ipinagdadasal ko lang ngayon ay sana hindi magising si Zirrius hanggang sa matapos ang laban ko. I chanted the spell to control the plants around us. "Garden of Rose, let me use your beauty as a weapon."

SoulboundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon