"Roses will always grow with thorns..."
AVERY
Another day inside his body. Hindi ko alam kung nasasanay na ba si Zirrius sa pang-aasar ko o hindi lang talaga niya ako pinapansin. Or maybe he was just too drown with his own thoughts. Imposible naman kasing masanay siya kaagad. Maybe he just learn to accept his fate. Sa ngayon, wala pa naman kasi siyang magagawa. Maraming tumatakbo sa isip niya. Iniisip niya kung paano nawala ang mga sugat niya sa katawan pero ramdam pa rin niya ang pananakit ng ilang bahagi nito. Iniisip niya kung paano siya nakarating sa kaharian at kung ano ang nangyari sa tatlong lalaki. Naguguluhan na talaga siya. Plano niyang balikan ang bayan ng Atlanta. Hindi ko siya pinigilan dahil natatakot ako na baka lalo siyang maghinala sa 'kin. Baka ipahamak pa ako ng sarili kong salita.
"Wala ka ba talagang alam sa mga nangyari?" nagdududang tanong niya sa 'kin. Hindi pa rin niya inaalis ang pagdududa niya sa 'kin. Sumagi rin sa isip niya na baka may ginawa akong kakaiba pero hindi ako nagkomento tungkol doon. Mahirap na. Naglalakad na siya sa pasilyo ng kaharian. Ipinatawag siya ng hari dahil nalaman na nito ang pagkamatay ng mga guwardiya sa Atlanta.
"Wala talaga," sagot ko sa kanya. Pinigilan ko ang sarili ko na tumawa. "Alam mo namang inosente ako. Nasa loob lang ako ng katawan mo," dagdag ko pa.
"Alam kong hindi ka inosente," nakasimangot na saad niya sa isip niya. Nagdududa pa rin siya sa 'kin. Hindi ko na lang siya binibigyan ng ideya sa mga maaari kong magawa sa katawan niya.
"Well, kung araw-araw mo ba namang ipapakita ang katawan mo sa 'kin, baka nga hindi na ako inosente," natatawang sabi ko sa kanya. Biglang uminit ang magkabilang pisngi niya. He clenched his jaws and pressed his lips on a thin line. Then after a few seconds, he grinned. He thought of something naughty to get even with me.
"Enjoy yourself 'til it last. Pagsawain mo na ang sarili mo sa katawan ko. But when you get your body back, I will surely return the favor," makahulugang saad niya. If only I have a mouth, I would surely gape. He was too bold.
"What? You can't be serious!" I said with mixed fear and thrill. Kung anu-ano ang tumatakbo sa isip ko dahil sa sinabi niya. Mukhang may balak siyang hindi maganda sa katawan ko. Well, it doesn't matter now. Matagal pa naman bago niya ako maibalik sa katawan ko. Baka nga makalimutan na niya ang banta niya sa 'kin ngayon.
"You know, I'm Zirrius," he answered playfully. Damn! Mukhang alam na niya kung paano gaganti sa mga pang-aasar at pamimilosopo ko ngayon. Hindi na ako nakapagsalita pa dahil nakuha na ni Liana ang atensiyon niya. Naalala na naman niya ang pag-aaway nila ni Liana. Walang kasama si Liana kaya hindi na nagdalawang-isip pa si Zirrius na lumapit. Parang gusto kong sumimangot dahil sa iba natuon ang pansin ni Liana.
Puno ng pag-iingat na hinawakan ni Zirrius ang pulsuhan ni Liana. He was really into her. Para tuloy ang sarap nilang paghiwalayin. Napangisi ako dahil sa pagiging kontrabida ko. But I will not do that. Mababawasan lang ang tiwala ni Zirrius sa 'kin. "Liana..." he said while pleading. My soul frowned. I don't know if he's already out of his mind or he's just too in love with this girl. Hinayaan ko na lang muna siya. Ayoko ng dagdagan pa ang galit niya sa 'kin.
BINABASA MO ANG
Soulbound
FantasiAvery Devon, an elf, is supposedly the Empress of Elfania but Severus Montfort managed to conquer her Empire and other Elven Kingdoms. Upang makatakas, isinailalim niya ang sarili sa isang mahika. Iniwan ng kaluluwa niya ang katawan niya at naglakba...