Soul 8: Black Crescent Moon

38.5K 1.7K 88
                                    

"Don't be blinded by lies..."



AVERY



What a busy life this guy have! Matapos kumain ni Zirrius ay agad siyang dumalo sa ilang pagpupulong. He even check some guard's post in the castle. Binisita rin niya ang ilang bayan upang kumustahin ang mga mamamayan. Mukhang wala siyang balak magpahinga dahil bumalik din siya sa bayan ng Atlanta. Ang nakakatuwa, nagdala siya ng bigas at gulay para sa mga tao roon. Some guards help him to distribute the goods. Napansin ko ang pag-aalinlangan ng ilan na lumapit kay Zirrius. Natitiyak ko na ang ilan sa kanila ay may alam sa ginawa ni Zirrius kaya hindi nila alam ang gagawin ngayon.



May dala ring damit na napaglumaan na ang ilang tao na mula sa ibang baryo at nagmamalasakit na tumulong sa mga tao sa Atlanta. Kumunot ang noo ni Zirrius nang may isang guwardiya na nagmamadaling lumapit sa kanya. Bumulong ang guwardiya sa kanya upang hindi marinig ng iba.



"May nakitang bangkay ng tatlong tao sa kagubatan. Hindi kaya ito ang hinahanap ninyo?" maingat na saad ng guwardiya. Natigilan si Zirrius. Ilang minuto lang ay nagpaalam na siya sa taga-Atlanta at tumuloy na sa kagubatan kung saan nakita ang mga bangkay.



Ako naman ay tahimik na nagtataka. How did they find the bodies? I remembered that I already buried their bodies on the ground. At natitiyak ko na hindi mahahalata ng kahit na sinuman na may nakalibing doon dahil alam kong patag ang lupa. I didn't leave any trace or a clue. At natitiyak ko na malalim ang pinaglibingan ko sa tatlong ito. What did happen? Tahimik akong nag-isip.



Nang dumating kami sa kagubatan, nakita ko si Prinsipe Leo at Lord Kelvin na nakasakay sa kanilang mga kabayo at nakatingin sa tatlong bangkay. Nagpaalam si Lord Kelvin na babalik na siya sa palasyo. I wondered why Lord Kelvin was here. Suot pa rin ng tatlong bangkay ang kanilang sira-sirang cloaks kaya nakilala agad sila ni Zirrius. Natuyo na ang dugo. Namumutla at matigas na ang mga bangkay nila. Isa lang ang naiisip kong paraan kung paano matutunton ang bangkay nila. Through their master. May ilang guwardiya na pawis na pawis dahil sa paghuhukay. Napakalalim ng kanilang nahukay. I wondered why they wasted their time for someone who's already dead.



"Paano ninyo nalaman kung nasaan sila?" takang tanong ni Zirrius sa mga guwardiya. Nagtatakang bumaling ang tingin niya kay Leo. "And why are you here? Hindi ba dapat ay nasa hilaga ka?" he asked. Right. Nasa timog kami at napakalayo ng hilaga upang makapunta siya rito.



Ngumisi si Prinsipe Leo. "Nagkataon lang na naglalakbay kami ni Lord Kelvin patungo sa bahagi na ito. At may nakapagsabi sa 'min kung nasaan ang hinahanap mo. It seems that you need help from me so I asked the guards to dig the ground. And then we found these bodies. Isn't that great? Hindi ka na mahihirapan sa paghahanap," nakakalokong sabi niya. "Seems like you can't really work without me," he added. I know that no one saw me. Maybe, it's really their master who tracked them. Mukhang magaling talaga siyang magtago.



Zirrius frowned while he was looking down to the corpses. Napansin ko ang isang itim na marka sa gilid ng leeg ng isang bangkay. It was a magic seal. A dark seal. A seal that links them to their master. I'm sure the master also have a dark seal. I intently gazed on the black crescent moon mark on the corpse's necks. Lahat sila ay meron nito. Zirrius sighed heavily.

SoulboundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon